Sabado, Hunyo 9, 2007

Nang Mapahiya si Totoy

Ako ay pinalad na mapasama sa listahan ng aking apo na si Aileen kung saan kailangan kong maglahad sa madla ng isa sa pinaka-nakatutuwa at pinaka-nakahihiyang karanasan ko nung ako ay bata pa... at ito na nga ang aking kwento.

Ang aming mga bintana sa itaas ng aming dating bahay ay malalaki. Dito ako umuupo habang nagsusulat o nagbabasa. Nakalilibang tumambay dito dahil tanaw ang mga tao sa kalsada. Kami ng aking kapatid na lalaki ay umuupo rito minsan upang magbilang ng mga jeep at mamintas ng mga taong nagdaraan. Madalas rin ay tumatayo kami roon para tanaw na tanaw talaga ang lahat ng gusto naming makita sa labas.

Mga pitong-taon siguro ako noon. Kasalukuyang ako'y nagmumuni-muni sa bintana ng dumaan ang aking crush. Tinawag ko siya at kumaway-kaway. Kumaway rin siya. Kinilig ako. May sinasabi siya ngunit hindi ko ito maintindihan kaya tumayo ako sa bintana. Natatakpan kasi siya ng mga halaman. Habang kausap ko siya at ako ay todo pa-cute ay bigla ko na lang naramdaman na nahubad ang aking shorts! Hinubuan pala ako ng aking ate! Wala pa naman akong underwear noon! Tumawa ng pagkalakas-lakas ang aking crush at ang aking ate habang ako naman ay kulay kamatis na bumaba ng bintana at nagkulong sa kwarto, nagtalukbong ng kumot at hindi na muling lumabas buong araw.

Tuwing magkakasalubong tuloy kami ng crush ko ay nakangisi siya, at gusto ko na lang lumubog sa lupa noong mga panahon na iyon. Hindi ko na siya matingnan ulit kagaya nung dati.

Salamat sa ate ko. Kung hindi dahil sa kanya ay wala akong makukwento sa inyo ngayon.

4 (na) komento:

  1. Dat's a gud one Lolo! Ehehehe...dko alam kung may maaalala akong kasing funny niyan na nangyari sakin nung panahon ng aking kamus-musan! Nakakatawa at nakakahiya! :P

    TumugonBurahin
  2. Isang pangyayari na hindi ko malilimutan...hahaha...

    Mag-isip kang mabuti apo at sigurado ako na may maiisip kang istorya na talaga namang magpapatawa sa aming lahat.

    Gaya ng sabi ko, take your time...bilisan mo lang!! Can't wait to read yours. ;P

    TumugonBurahin
  3. Ano baaaa!!! Tawa ako ng tawa!!! Wawa ka naman! Hahahha.

    TumugonBurahin
  4. Ma'am Ai: Oo nga po... isang napakasaklap na pangyayari sa aking buhay...hihihi...

    TumugonBurahin