Linggo, Hunyo 3, 2007

Ordinaryong Bus



Pauwi galing sa isang mall kasama ang aking kaibigan, habang nag-aabang kami ng bus na masasakyan, bigla niyang naitanong sa akin kung nakasakay na daw ako sa ordinaryong bus. Sabi ko "Siyempre naman!". Nagulat ako dahil siya pala ay hindi pa. Natatakot daw kasi siya sumakay sa ganoon. Mukha raw kasing delikado, at talaga namang kaskasero ang mga drayber.

Bakit nga ba minsan mas pinipinili kong sumakay sa bus na ganito kesa sa
aircon na bus?

1. )
Mas mabilis. Dahil sa laging nakabukas ang pinto ng mga ganitong bus, madaling nakakasakay at nakabababa ang mga pasahero. Hindi rin sila tumitigil at nagpupuno ng matagal sa kalsada. Minsan nga ay hindi talaga tumitigil ng husto kahit may sumasakay at bumababa. Siguraduhin lamang na mahigpit ang iyong pagkakakapit, at marunong tyumempo kung kailan tatalon kung ayaw mong gumulong sa kalsada.

2. )
Mas mura ang pamasahe. Hindi ko na 'to kailangan pang ipaliwanag sa iyo.

3.)
Walang air-freshener na nakakahilo. Ako ay inis na inis kapag nakasakay ako sa bus na may mga "pine tree" na air freshener. Ang amoy nito ay talaga naman nanunuot sa aking ilong diretso sa aking utak, at nagiging dahilan upang sumama ang aking pakiramdam - lalo na 'yung kulay dilaw! Ang mga ordinaryong bus ay siguradong wala nito.

4.)
Kahoy na upuan. Kung minsan nakakasakit na rin sa likuran ang palagiang pagsandal sa mga malalambot na upuan. Halos lahat ng ordinaryong bus ay kahoy ang mga upuan. Sa bilis ng pagpapatakbo ng drayber, siguradong lapat na lapat ang iyong likod sa sandalan.

5.)
Walang tumutulong tubig. Siyempre dahil wala ngang aircon, wala nang iiwasan pang upuan kung saan may tumutulong tubig, na kung siniswerte ka nung araw na 'yun ay dun ka matatapat at paniguradong tunaw ang gel sa iyong buhok na napakatagal mo pa namang inayos bago ka umalis ng bahay.

6.)
Walang insekto. Base sa aking obserbasyon, mas madalas akong makakita ng kung anu-anong gumagapang sa mga aircon bus, at wala pa sa mga ordinaryong bus. Marahil sila kasi ay natatangay ng malakas na hangin papalabas ng bintana kaya ganoon.

Ah basta, kung ako ay mahuhuli na at hindi naman mainit masyado ang panahon, at kung iyon ang unang dumaan sa aking harapan, sasakay na ako. Mas mahirap naman na tumayo at maghintay ng pagkatagal tagal.

6 (na) komento:

  1. hahahaha...gaya nga ng sinabi ko sayo kagabi THAT one made me laf...well sa maniwala ka't sa hindi yan ang sinasakyan ko pauwi araw-araw...dahil nga sa mga kadahilanang nabanggit mo na...dahil sa ordinaryong bus nakakauwi ako ng mas mabilis kumpara sa aircon na inaabot ako ng siyam-siyam dahil panay na ang hinto...ginagawa pang terminal ang mga bus stops!

    TumugonBurahin
  2. ehehhehe...di ba tama naman ako? ;P

    thank you for sharing. it is nice to know na may nag-agree sa mga sinabi ko... at totoo na ginagawa ngang terminal ng mga aircon buses ang kahit anong parte ng kalsada. nakakaasar 'yun lalo na pag late ka na! grrrr...

    TumugonBurahin
  3. Yes, tama ka Harry!
    :D And yeah bad trip yun pag ma-le-late ka na... :D buti na lang ako MRT sa umaga...pauwi lang nagba-bus! :P

    TumugonBurahin
  4. Kay Tyrone:

    Salamat...kaya 'pag nagkasakay tayo, libre mo ko. wehehe...

    TumugonBurahin