Sigurado ang mga karanasan ninyo sa una niyong trabaho ay hinding-hindi niyo makalilimutan. Dalawa ang tinuturing kong unang trabaho. Dalawa kasi ang career ng lolo niyo.
Ang una ay nang magkaroon ako ng singing engagements. Nagsimula 'yun nung ako ay nasa highschool pa lamang. Naiimbitahan akong umawit sa mga kasal, birthday parties, at syempre ang pinakamasaya sa lahat - sa mga libing. Magandang experience. Kaso lang kapag kamag-anak namin ang nang-imbita ay shake-hands na lang at walang bayad. "Ayos lang 'yun, exposure din 'yun." ang pang-uuto ng aking daddy. Pagtagal-tagal ay hindi na 'ko pumapayag ng walang bayad (haha). Ganun talaga, trabaho lang walang personalan. Nagkaro'n ako ng unang regular na gig nung ako ay nasa kolehiyo na. Hindi banda ang kasama ko. Isang babae na nagngangalang Cherry. Siya ay kumakanta sa mga hotels sa Malaysia. Kaming dalawa ay mga videoke masters tuwing sabado sa isang bar sa Bulacan. Tuwang-tuwa na ko noon kasi siyempre, nagagawa ko na ang gusto ko at kumikita pa ako. Nagsisimula kami ng alas-otso ng gabi, at natatapos kami ng alas-dos ng madaling-araw. Walang break 'yun. Ang pinakapahinga lang namin ay kapag may nakiki-jam. Kahit nakakapagod ay nabatak ako ng husto. Kaya naman ngayong sa banda ay tatlong sets lamang at may pahinga pa sa pagitan ay madali lang para sa akin (yabang!).
Susunod na ikukwento ko ay ang unang trabaho ng lolo niyo sa opisina...
Vet Day: Eye Check and Vaccination
2 linggo ang nakalipas
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento