Sa wakas! Tapos na naman ang isang linggo ng pagpapanggap bilang isang aliping-sagigilid sa opisina. Nakapapagod man ang mga nagdaang araw, mas mabuti na iyon kaysa tumambay sa kanto at magpaka-busy sa pagbibilang ng mga kawad ng kuryente ng Meralco.
Maraming beses ko na rin naisipan na umalis sa aking kasalukuyang trabaho. Ano nga ba ang mga bagay-bagay na dapat timbangin upang malaman mo na talagang kailangan mo nang lisanin ang iyong pinapasukan? Ang mga sumusunod ay ang mga itinatanong ko sa aking sarili kapag ako ay naaaning-aning tungkol sa trabaho:
1.) Masaya ka pa ba? Para sa akin, napakahalaga na nag-eenjoy ka sa iyong ginagawa, at siyempre, sa iyong mga kasama. Napakahirap manatili sa isang lugar kung saan hindi ka na tumatawa, hindi ka na ngumingiti, at hindi mo na kasundo ang iyong mga katrabaho. Malalaman mo na hindi ka na masaya kung sa bawat araw na papasok ka ay hindi ka na excited, tinatamad ka nang bumangon sa iyong pagkakahiga, at mukha ka ng eighty-two. Kung ang oras sa opisina ay sadyang napakabagal na para sa iyo, at hindi mo na mahintay ang lunchbreak, miryenda at uwian. Bakit mo pa ipagpapatuloy gawin ang isang bagay kung hindi ka na masaya rito? Adik ka ba?
2.) Anu-ano nga ba ang mga dahilan kung bakit gusto mong umalis? Naliliitan ka ba sa iyong kinikita? Sa tingin mo ba ay dapat mas mataas ang iyong sweldo dahil mahirap ang iyong trabaho? Ang mga benepisyo ba ng iyong opisina ay sadyang hindi mo nararamdaman? Malayo ba ang iyong opisina at nahihirapan ka nang makipagsipaan sa mga pasahero sa MRT at LRT? O baka naman mahirap ang schedule mo? Madumi ba ang inyong pantry? Pasaway ba ang mga utility at hindi nila nililinis ang pwesto mo? May mga ka-opisina ka ba na walang ibang ginawa kundi siraan ka at sabihin sa iyong boss na hindi ka naliligo? Kung tumango ka sa lahat ng ito ay dapat ka na ngang umalis diyan kung...
3.) May lilipatan ka na ba? Napaka-hirap umalis sa isang trabaho kung wala ka pa namang lilipatan, maliban na lang kung trip mong maging isang ganap na mangga at magpapakaburo ka sa inyong bahay. Maaari kang magbakasyon sandali upang makapag-relax ngunit kahit ito ay nakaka-inip rin, lalo na kung nasanay ka na maraming ginagawa palagi. Tandaan mo na walang opisinang perpekto. Sa umpisa lang. Makikita mo rin ang mga pagkukulang nito pagtagal-tagal. Nasa sa iyo ang paraan upang maging perpekto ang iyong trabaho sa paningin mo. Banggitin ang "Ang ganda-ganda ng trabaho ko!" ng isang daang beses araw-araw, ngunit hindi rin ito makakatulong.
'Yan ang mga importanteng katanungan (sa aking palagay) na dapat mong isipin bago ka magdesisyon na umalis sa iyong trabaho. Sinagot ko ang lahat ng iyan at pagkatapos, tinimbang ang mga bagay-bagay. Ako ay nagdesisyon na manatili MUNA sa aking trabaho. Bakit? Bukod sa mag-iisang taon na ako dito (Batiin niyo ko, dali!), at madali lang ang byahe ko papunta sa opisina, ay masaya pa rin ako sa aking trabaho, at mga katrabaho. Mahalaga iyon' para sa akin. Kahit na laging sira ang elevator, at muntik na akong pumanaw kanina lamang dahil biglang bumagsak ang wallfan sa aking ulunan, nag-eenjoy pa rin ang lolo niyo...
Vet Day: Eye Check and Vaccination
2 linggo ang nakalipas
Lolo tama lahat ng pointers mo...
TumugonBurahinyan dapat ang mga tanong sa mga taong gusto ng mag resign sa pinapasukan nila...
Yung iba jan magreresin kasi daw may nahanap na silang trabaho na mas MALAKI ang salary. Yet totoo pero malaki nga ang salary nila di naman sila HAPPY!
Ako ilang beses ko na ring gustong umalis dito sa pinapasukan ko pero kapag nagmumunimuni ako kung bakit di ako dapat umalis dito tatlong bagay lang pumapasok sa isip ko...
Unang-una na dahil napaka ganda ng BUILDING at syempre pati loob ng opisina (walang ceiling fan na nalalaglag). Hahahah!
Pangalawa, dahil totoo at mapagmahal ang mga tao dito. Yung tipong di ka iiwan ano man ang magyari (lalo na si ung BIG BOSS).
At pangatlo at ung pinaka importante sa lahat! Pwede ako ditong maggames (sa oras ng trabaho), at mag-internet. (ALL access pa). Pero syempe I do this kapag tapos na ako sa mga tungkulin ko dito sa OPISNA (uy1 palusot). hahaha!!!
Kaya lolo jan ka lang hanggat di pa gumuguho yang building nyo!
Maraming salamat sa iyong komento na may halong panlalait porket diyan ka nagta-trabaho sa pinaka-magandang gusali sa Makati.
TumugonBurahinAko ay sumasang-ayon sa iyong mga naturan, lalo na tungkol sa libreng pagamit sa internet! Eksperto tayo diyan! Wahehehe..
PS. Hindi ceiling fan 'yung nalaglag, kundi wallfan! Sa susunod magbasang mabuti.