Pasukan
Umpisa na naman ng klase. Iba't-ibang eksena ang nagaganap sa unang araw sa eskwelahan. Ito ang mga natatandaan ko na mga kaganapan noong unang panahon.Kindergarten. Todo iyak ako nung ako ay iwanan ng aking mommy sa gate ng school. Parang hindi na kami ulit magkikita - 'yun ang pakiramdam ko. Pagtahan, pinilit na makinig sa sinasabi ng matandang babae sa aking harapan. Siya pala ang principal. Hindi ko alam kung bakit ako pa ang napili na taga-taas ng ating mahal na watawat tuwing umaga gayung ako ang pinakamaliit sa klase. Lugaw, champurado, pansit, sopas ang ilan lamang sa mga pinakaaantay naming kainin kapag recess, at lahat 'yon ay libre at pwede pang bumalikbalik kung ikaw ay talaga namang gutom na gutom. Ang pinaka hindi ko malilimutan ay nang ako ay makatapos na 1st honor. Hindi ako nagyayabang. Normal ko 'to.Gradeschool. Lumipat ako sa mas malaking eskwelahan. Gaya ng dati, umiyak ulit sa unang araw. Todo tucked-in pa ang polo ko noon, katulad nung kinder ako. 'Yun pala eh hindi dapat ganoon kaya inayos ng adviser ko. Siyempre, una na naman ako sa pila. Taga sigaw ng "arms forward!" sa buong kapilahan. Taga-pantay kung kiling ang direksyon ng pila. Taga-lista ako ng noisy sa classroom. Dito ko rin unang naranasan na sumali sa singing competition. Una pa lang, talo na agad ang lolo niyo. Pero di pa rin nadala ang aking mga guro at sinali ulit ako nang paulit-ulit. Medyo nananalo na nung bandang huli. Naawa na siguro ang mga judges sa akin dahil taon-taon ay sumasali ako.Highschool. Hindi na ko umiyak nung unang araw. Tuwang-tuwa pa nga dahil sa wakas may pasok na ulit. Ibig sabihin may allowance na ulit. Hiwalay na ang mga babae sa aming mga lalaki. Malisyoso kasi ang mga madre sa aming eskwelahan kaya ganoon. Pangalawa na ko sa pila. Minsan pangatlo kapag natakot ko nang husto ang aking kaklase at utusan siya na siya ang lumugar sa pangalawa. Ako ang taga-awit ng Lupang Hinirang tuwing umaga kaya naman ito ang nilalagay ko na favorite song sa mga slam books na pinasasagutan sa akin.College. Ang antas ng pag-aaral na muntik ko nang hindi marating. Ako ay desidido na talagang pumasok sa seminaryo noong mga panahong iyon, pero pinagbigyan ko ang aking mga magulang at kumuha ng mga exam sa iba't-ibang kolehiyo. Ang galing ko talaga dahil sa dami nang na-applyan ko, isa ang tumanggap sa akin. Nakakatamad ang unang araw. Pagpasok sa room mukha agad ng isang dating
schoolmate ang bumungad sa akin. Ngiting-ngiti dahil nakakita rin siya ng kakilala na mahihingan ng extra rice at ulam kapag sabay kami kumain. Walang pumasok na prof noong umaga kaya tumambay na lang ako sa canteen. Mag-isa at nakahiwalay sa mga estudyanteng napakaiingay at akala mo matagal nang magkakakilala, kumain ako ng oreo at iced tea - heavy meal. Hindi na ako umattend pa ng mga sumunod na klase dahil kailangan ko pang magdeliver ng mga pirated cd's na aking binebenta noon, sa halagang P100 ang isa. Talaga namang sulit na sulit.Ang sarap maging estudyante. Kung ikaw na nagbabasa nito ay isang estudyante, pahalagahan mo ang bawat araw habang ikaw ay nag-aaral. Darating ang araw at babalikan mo ang lahat ng iyan at ipo-post mo rin sa blog mo.
yan na ba yung larawan na naka sabit sa silid mo?! mas maganda sana nilagay mo pix for different levels...un gradeskul, highskul & college. (di naman ako demanding nito?!) well sanay ka naman na diba?! :P at dati ka palang pirata ha...hmmm... :P
TumugonBurahinehehe... yep naisip ko rin 'yun pero nagbago isip ko. haha
TumugonBurahinganon?! andaya naman! was looking forward pa naman to see the "gothic" look!
TumugonBurahinhahahaha...i'm not sure if that one will happen anytime soon. hehe...
TumugonBurahinscanner ish na naman?! hirap kasi talaga i-picture eh...kaya i wanna see it. parang di yata ako makakapaniwala unless i see it! :D ehehehehe
TumugonBurahin