Sa wakas nakapagsimba ulit ako matapos ang ilang daang taon. Hindi ko ipinagmamalaki na bihira akong makapagsimba ngayon dahil madalas ay may pasok rin ako kahit Linggo. Sabi ko na nga ba, ang trabaho ay nakasisira ng pagsisimba.
Maraming ala-ala ang nanumbalik habang ako ay nasa loob ng simbahan. Sa maniwala kayo't sa hindi, dating taong simbahan ang lolo niyo...
Isa akong choir member. Naalala ko pa kung paano ako ipinagtulakan ng aking itay na mag-audition pagkatapos na pagkatapos i-announce ni father na naghahanap sila ng mga bagong miyembro ng koro. Sa audition, ang aking inawit ay ang nakaiindak na "Isang Lahi". Natanggap naman ako, eleven years old ako nung masimula ako.
Naging Lector din ako o 'yung tagabasa ng First at Second reading. Madalas din akong gawing Psalmist o Song Leader kapag wala nang ibang pwedeng kumanta. Kinailangan pang lagyan ng maliit na upuan ang altar upang tungtungan ko dahil hindi ako makita ng mga tao. May katangkaran kasi ako eh.
Pero ang pinakamasaya sa lahat ay nung maging Commentator ako. Ako ang nagli-lead ng mga sagot kay father, at nagsasabi kung kailan tatayo, uupo at luluhod ang mga tao.
Ang hinding-hindi ko makalilimutan ay nung magkamali ako ^_^ . Nakatayo ang lahat. Matapos ang dasal ni father ay buong lakas at taas-noo kong sinabi ang "Magsi-upo po tayong lahat." Umupo naman ang mga tao siyempre. Nagulat na lang ako nang bigla na lang sabihin ni father na "Hindi pa, magsitayo ulit kayo." Tumayo ulit ang mga tao na parang na-rewind at lahat sila ay nakatingin sa akin. Ayun pala, nasa maling page ang aking kodigo! Haaayy... Parang gusto nila akong saktan ng mga panahong iyon. Talaga namang nanliit ako lalo nung mangyari 'yun at kinabahan na tuloy ako kada papa-tayuin, papa-upuin, at pa-luluhurin sila. Gusto ko ngang sabihin na "Kanya-kanya na lang! Kahit anong posisyon gusto niyo!" wehehe...'sensya na, tao lang po.

Hi, Lolo. Sa Our Lady of Grace Parish ka ba nagsisimba? Dun din ako eh, 3:45 PM na mass.
TumugonBurahinHindi ba si Father Eli nagsabi na magsitayo? Medyo masungit pa naman yun sa commentators.
Kay Arbet: Sa Grace nga ako nagsisimba ngayon, ngunit ang aking kwento ay nangyari sa ibang simbahan.
TumugonBurahinSana hindi mabasa ni Father Eli ang sinabi mo kundi papaluin ka nun. LOL.
Eh medyo masungit naman talaga sya, medyo nahalata pag communion na at bibigyan nya ng host yung commentator, pag di nya nagustuhan, may kasamang sermon, nakasimangot yung commentator afterwards eh. Ilang beses na nangyari yun, sa iba't ibang commentator.
TumugonBurahinKay Father Taddy pa rin ako he he.