Sabado, Hulyo 7, 2007

Hamburgers


Kaninang umaga, pauwi galing opisina habang nasa biyahe, bigla ko na lang naalala 'yung mga ginawa ko sa eskwelahan noon para kumita. haha.. Pangdagdag sa allowance siyempre. Ang hindi ko siguro makakalimutan eh nung nagtinda ako ng hamburger sa classroom nung grade six ako..

Una, barkada ko lang ang bumibili sakin. Tatlo, apat, hanggang sa lahat na ng mga kaklase ko umoorder na. Tito ko ang nagluluto nun. Siya rin ang nagbubuhat papunta sa school. Kasi ang laki ng dala kong bag, at dalawang plastic bag ng hamburgers ‘yun.

Sais pesos ang isa, may kamatis at pipino pa ‘yun. Mas mura kumpara sa tinda sa canteen. Kung gusto mo ng cheese, magdagdag ka ng dalawang piso. hehe.. Siyempre, para dumami ang customers, dapat may gimik ka. Kaya may isang burger dun na nilagyan ko ng "star" na mark 'yung tissue. Kung sino makakuha nun, may libre syang burger kinabukasan.. hahaha. Ayun, pati galing ibang sections, bumibili na sakin.

Pero di nagtagal, kinausap ako ng adviser ko. Pinapatawag daw ako ng principal. Nung nagpunta ko sa principal's office, sinabihan ako na bawal daw 'yun. Siyempre, ganun na nga ang ginawa ko - tumigil sa pagtitinda sa school. Nakakalungkot pero okay na na-experience ko 'yun. Natatawa ko 'pag naalala ko ngayon.

Next, kwento ko naman 'yung time na nagtinda ako ng gulaman sa palengke. hehehe..


Subscribe in a reader

6 (na) komento:

  1. Seryoso to ah?

    :)) Nung Grade Three ako, nagtinda ako ng crinkles sa mga teachers ko. Nagbaon kasi ako dati at nung natikman nila, nahimatay sila sa sarap ng gawa ng ate ko.

    Hindi naman ako nahuli ng principal nun. Hehehe.

    Shet, 6 pesos na hamburger na may pipino't kamatis? San ka pa!

    TumugonBurahin
  2. Aba?! Akalain mo nga naman...isa ka ring negosyante noong kabataan mo. Bakit 'di mo ituloy ngayong nasa college ka na? Siguradong bebenta ng husto 'yang crinkles mo...wahehe...

    Mapalad ka at 'di ka nahuli. Medyo KJ kasi ang principal namin kaya 'un. ^_^

    'Di ba? Talaga namang sulit na sulit.

    TumugonBurahin
  3. Nagbenta rin ako ng kung anu-ano nung nasa gradeschool pa ako (prehistoric period pa nun). Mani na nasa maliliit na plastic, homemade clay nung naging uso ang clay dough, voltes 5 at thundercats stickers, intermediate paper 25cent ang isa, polvoron, bala ng technical pencil, erasers na mabango, at madami pang iba!! Pero hindi gaya mo, walang nag bawal sa school namin ng pagbebenta noon.

    TumugonBurahin
  4. Oi, achei teu blog pelo google tá bem interessante gostei desse post. Quando der dá uma passada pelo meu blog, é sobre camisetas personalizadas, mostra passo a passo como criar uma camiseta personalizada bem maneira. Se você quiser linkar meu blog no seu eu ficaria agradecido, até mais e sucesso. (If you speak English can see the version in English of the Camiseta Personalizada. If he will be possible add my blog in your blogroll I thankful, bye friend).

    TumugonBurahin
  5. Oi, achei teu blog pelo google tá bem interessante gostei desse post. Quando der dá uma passada pelo meu blog, é sobre camisetas personalizadas, mostra passo a passo como criar uma camiseta personalizada bem maneira. Se você quiser linkar meu blog no seu eu ficaria agradecido, até mais e sucesso. (If you speak English can see the version in English of the Camiseta Personalizada. If he will be possible add my blog in your blogroll I thankful, bye friend).

    TumugonBurahin
  6. Kay marc: hehehe...Nakakatuwa naman. Parang nagtayo ka na ng sari-sari store sa dami ng tinda mo ah. At walang nagbawal? Mapalad ka iho. :P

    TumugonBurahin