Gaya nga ng aking naipangako ko sa inyo (o "sa'yo" na lang dahil malamang ikaw lang naman ang nagbabasa nito) sa kwento kong Hamburgers, iku-kwento ko rin dito ang aking pagtitinda ng gulaman sa palengke...
Katorse anyos ako noon nung maisipan naming magkakapatid na magtayo ng gift shop malapit sa aming tahanan. Ang mga ate ko ang nagtitinda ng kung anu-anong items sa kanilang tindahan na talagang sobrang mahal dahil napakatataas ng patong nila sa presyo. Ako naman, nagtinda ng gulaman sa bungad ng palengke. Bukod sa mausok dahil sa mga sasakyan, at mainit dahil kadalasan ay tanghali ako nagsisimulang magtinda, talaga namang medyo nakahihiya sa umpisa dahil nakikita ako ng aking mga dating kaklase. Pero pagtagal-tagal, 'di ko na sila inintindi dahil malakas naman ang aking kita. Masarap ata ang aking gulaman. Black gulaman ang aking ginamit. HIndi ito pangkarinawang gulaman. Medyo mas mahal kesa dun sa karaniwang itinitinda ng mga wa-class na tinderang kalaban ko. Kadalasan, mga driver ng jeep, tricycle at trike ang bumibili sa akin. At mind you, purified water ang aking ginagamit noon. Kapag hindi naubos ang tinda ko, ititinda ko ulit ang mga tira kinabukasan...wahahaha. Joke lang po 'yun. Ang mga tira ay sapilitan kong pinapaubos sa aking mga kapatid (tagay pa!).
Para pandagdag-kita, bukod sa gulaman, nagtitinda rin ako noon ng pirated cd's. Kauuso pa lang ng mga cd (wala pa nga akong cd player) noon, kaya ang benta ko ay P150 ang isa. Talaga namang sulit na sulit hindi ba?
Kapag walang customer, kadalasan kapag patay na oras - bandang alas dos hanggang alas tres ng hapon, para malibang ay sa kalapit na videoke ang aking punta. Nambubulahaw ng mga taong natutulog sa tanghali upang sila ay magising at magmeryenda na - para bumili na aking sobrang sarap (as in) na gulaman.
Pasensya na kung maigsi at parang walang kwenta ang post na ito sapagkat sa opisina ko lang ito ginawa sa gitna ng kasagsagan ng trabaho. Papalapit na ang aking boss kaya hindi ko na matatapos ang pangungusap na
Vet Day: Eye Check and Vaccination
2 linggo ang nakalipas
Nung bata ako gusto ko rin magtayo ng gift shop. ΓΌ
TumugonBurahinKay Paris: Karamihan ata sa mga babae ay gustong magkaroon ng ganoong tindahan ano? Magandang negosyo rin, itutuloy mo pa ba?
TumugonBurahin^_^ Salamat po sa pagbisita.
Naku! Sana po hindi na maulit ang inyong pagtitinda ng piratang mga cds.
TumugonBurahinPara sa ating mga may pangarap na makilala sa ating mga napiling sining gaya ng pagkanta (kagaya ko), pagsusulat (kagaya ko rin), pagkuha ng litrato, o kahit pag-guhit, kailangan nating maging sensitibo sa mga paksang tumutukoy sa pamimirata. Dahil malay natin, baka sa hinaharap maging kilala na tayo sa ating mga sining o kaya'y maging kabahagi narin ng industriyang pang sining.
Naka tagpo narin ako ng pagkakataong mapirata ang ginawa kong maikling kwento. Ginamit ng pirata ang kwento sa kanyang creative writing class. Mabuti nalang at guro ko dati ang guro nya sa klase. Bilang panggulat, inimbitahan ako ng dati kong guro upang magsalita sa klase niya patungkol sa campus journalism at kung papano magsulat ng mga tula.
Kailangan kong aminin, nasaktan ako sa pamimirata sa gawa ko. Pakiramdam ko sayang lang ang pinaghirapan ko.
Pasensya na sa mahaba kong kwento at kumento.
Huwag kang mag-alala Marc. Hindi na iyon muling mauulit pa kailanman. Hindi ko kasi alam na bawal iyon noong araw, pero ngayon alam ko na na hindi sapat na dahilan 'yun.
TumugonBurahinBilang pagbabayad sa pagkakasalang iyon, hinihikayat ko lagi ang mga manunuod sa aking mga gigs na huwag tumangkilik ng mga pirated cd's, lalung-lalo na kung ito ay sa mga OPM artists.
Talagang nakalulungkot ang ganung pangyayari. Buti na lamang at kahit papaano ay lumabas ang katotohanan sa iyong karanasan.
Mahirap man labanan, pero ang pamimirata ay hindi dapat maging hadlang sa ating mga pangarap. Naniniwala ako na makababangon muli ang lahat ng industriya na apektado nito, hanggat may mga taong kagaya mo.
Maraming salamat at pwede kang magkwento dito kahit ga-nobela pa ang haba nito kahit anong oras mo naisin.
Galeng naman...business minded! hehehe...
TumugonBurahinBinalak din namin ng ate ko dati, magtinda ng halo-halo, palamig, fruit shakes...pero ndi natuloy.
galeng naman!! business minded! saya ng mga experience mo ah!
TumugonBurahinKay ely: Salamats. Bakit naman? Ituloy niyo 'un malakas din ang benta lalo na sa mga bata. hehe...pero sa summer na lang siguro kasi tag-ulan ngayon, baka ubuhin sila. ^_^
TumugonBurahin