Miyerkules, Agosto 8, 2007

Pinagterno Mo Ngunit 'di (raw) Dapat

Puto at dinuguan.

Ispageti at prayd tsiken.

Kare-kare at bagoong.

Ilan lamang 'yan sa mga magkakaternong pagkain na karaniwan na nating nakikita sa mga hapag-kainan. Pero hindi ba't nakasasawa rin minsan 'pag palagiang sila ang magkakapakner? Maganda ring mag-eksperimento paminsan-minsan 'di ba? Anu-ano nga ba ang mga kakaiba nating kombo ng mga pagkain? Hmmm...

Ang mga ulam na karaniwang isinasaw sa patis gaya ng sinigang, nilaga, at menudo ay aking isinasawsaw sa toyo. Ito siguro ang sanhi ng aking pagkakaaning-aning paminsan-minsan.

Ang hilaw na mangga naman ay palagian kong isinasawsaw sa patis na may asin. Bakit ko pa raw nilalagyan ng asin gayung maalat na ang patis? Hindi ko rin alam ang kasagutan. 'Yun na kasi ang nakalakihan kong istayl sa bahay.

Kung ang iba, sa ketchup isinasawsaw ang pritong isda, ako naman ay sa suka at toyo.

Nasubukan mo na ba ang tandem ng kanin at kape? Nitong nakaraang linggo lamang, isa sa aking mga apo ay nagbunyag sa madla na siya raw ay kumakain ng kanin na sinabawan ng kape. Hmmm...ano kaya ang lasa nito? Kailangan bang lagyan rin ng creamer o mas masarap kapag black coffee lang ang gagamitin? Pwede rin kaya itong gawin sa sinangag? At frap ng Starbucks ang iyong ihahalo?

At napag-alaman ko rin ngayon lang mismo na ang gatas ay maaari rin daw isabaw sa kanin!

May naringgan naman ako na ang mga sitserya ay ipinapalaman niya sa tinapay! Naku! Siguradong anong lutong ng bawat pagkagat mo hindi ba? At ang iba naman ay ibinababad ang mga junk foods sa suka. Ang galeng!

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nasusubukang kumain ng sorbetes na ipinalaman sa tinapay. Parang nakangingilo kasi kung titingnan pa lamang.

Narito pa ang ilang nakababaliw na food-pakners na aking nahagilap sa aking pagtatanung-tanong:

- brownies na nilagyan ng asin sa ibabaw
- french fries na isinasawsaw naman sa sundae ng Jollibee o McDonald's
- kanin na hinaluan ng ketchup
- kanin na hinaluan ng mayonnaise
- kanin na hinaluan ng yogurt
- spaghetti na hinaluan ng mayonnaise
- Chips Ahoy! cookies at salsa na sawsawan
- waffles na idinidip sa ice cream
- beer at M&M's
- popcorn at ketchup

Huwaaat? Nakaaaliw talaga! Kakaiba, at medyo nakakaumay ring isipin pero naniniwala ako na ang bawat nilalang dito sa mundo ay may kanya-kanyang trip pagdating sa pagkain. Wala naman sigurong masama dahil ang mahalaga ay nasa-satisfy mo ang iyong cravings ika nga, kahit na nakanguwi ang iyong kasabay kumain dahil hindi niya magets ang ginagawa mo sa iyong pagkain.

O pa'no? Kainan na!

16 (na) komento:

  1. Eto yung mga nasubukan ko nang kombinasyon:

    kanin at gatas na malapot *yummy*
    kanin, malinis na mantika, at toyo
    kanin at chocnut

    TumugonBurahin
  2. Kay Arbet: hmmm...parang gusto kong subukan 'yung kanin at gatas na malapot. :D

    'yung pangalawa at pangatlo, pag-iisipan ko muna ha? hehe.

    TumugonBurahin
  3. Yung iba sobrang weird talaga. Pero eto ang mga nasubukan ko na:

    - Powdered milk and sugar w/ rice
    - Beer & M&M's

    Yun lang. Yung iba, hindi ko na talaga ma-take. :))

    TumugonBurahin
  4. Yung isang kasamahan ko sa opisina kakaiba ang kombinasyon: adobo at tomato ketchup.

    TumugonBurahin
  5. Kay Jhed: Ganun? Pwede pala kahit powder?

    Kay Arbet: HAHA. Nagawa ko na rin 'yan! Masarap nga. :D

    TumugonBurahin
  6. Weird Taste! Hahaha! But who am I to say that that would taste horrible if I haven't tried it. Hehe!

    TumugonBurahin
  7. I've tried hotdogs and oyster sauce, cornflakes with cheesewiz, ube halaya with powdered milo, leche flan with sweet chilli sauce.

    TumugonBurahin
  8. Guilty naman ako sa kanin na isinasabaw ang kape nu'ng bata ako. Guilty pleasure. Masarap naman e.

    Minsan, kapag naabutan kong walang ulam sa bahay, toyo at kalamansi lang ang ulam ko. Pero solb na ako du'n.

    Hardcore din 'yung kanin na binudburan ng asukal. Masarap din 'yung. Nagmukha siyang delicacy. :D

    TumugonBurahin
  9. Kay Jigs: Subukan mo 'yung iba! hehe...

    Kay Marc: Hmmm, halaya with milo? Nakakatakam nga ata. :D

    Kay Jake the Miserable: Ako ay tunay na naiintriga na dyan sa kape't kanin na 'yan ah. Ang dami niyo na kasing nagsasabing masarap talaga 'yun...hehe.

    TumugonBurahin
  10. heto naman line up ko:
    -kanin at ginataan (yung halo-halo)
    -kanin, asukal na may konting tubig
    -french fries at gravy
    -french fries at macfloat
    -manggang hilaw at bagoong isda o kaya alamang
    -kangkong at bagoong alamang (chowking style)
    -pritong isda at suka na may konting asin at pinitpit na bawang
    -pritong isda at toyo kalamansi
    -tinapay palaman ketchup
    -tinapay sinawsaw sa coke o kaya royal

    yan lang ang naisip ko... yung iba sa nisabi mo eh natry ko na rin.

    he he he...

    dalaw ka naman sa blog ko... ;)

    TumugonBurahin
  11. GUsto ko ung fries na sundae kasama. Masarap naman, nakita ko sa isang sitcom sa TV wayback highschool pa. Ayun ginaya ko, hanggang ngaun gawain ko na... :P

    Have you tried, rice with Milo? or rice with pancit canton? Nung bata ako gustong gusto ko rin ung rice tas
    sabawan ng mantika at haluan ng asin...weird!

    TumugonBurahin
  12. Kay kingdaddyrich: Nabaliw ako sa tinapay na sinasawsaw sa Coke o sa Royal! huwaaaaa

    Kay Ely: Masarap ba? hehe. At rice w/ Milo? o pancit canton? 'di pa eh, yaan mo one of these days. :D

    TumugonBurahin
  13. daddyrich: rich ka kasi, kaya nde mo simasamahan ng rice ang pancit canton.

    share ko lang yung combo meals na na-try ko:
    - adobong mani, palaman sa tinapay (peanut w/o butter)
    - rice w/ condensed milk.
    - rice w/ oreo or cream-O

    TumugonBurahin
  14. Kay deejayz: hindi maalis sa isip ko ang kanin at Oreo o Cream-O...hehe.

    TumugonBurahin
  15. Spaghetti meat sauce (yung red) + Sinigang na baboy or baka. Ilagay yung meat sauce sa mainit na kanin tapos lagyan ng sinigang! Ang sarap! Hahaha!

    TumugonBurahin
  16. Nakalimutan ko pala... Pancit canton extra hot or Pancit shanghai or Yakisoba + mayonnaise! Basta hot and spicy na variant ng mga yan + mayonnaise panalo! Haha try nyo!

    TumugonBurahin