Linggo, Agosto 19, 2007

Baha

Matapos dumaan ang ilang bagyo, ang aming bayan ay talaga namang naging isang ganap na anyo ng tubig magpasahanggang ngayon (kulang na lamang ay makakita ako ng mga signs at makarinig ng isang umaalingawngaw na boses na nagsasabing gumawa ako ng isang arko), at sa tingin ko ay ilang araw pa ang aming palilipasin bago namin muling makita ang mga humps sa kalsada. Isa na itong nakasanayang eksena at hindi na ata mababago pa. Kung mabago man, ay matatagalan pa siguro.

Napalilibutan ng mga ilog at palaisdaan ang aming bayan, kaya kapag umulan ng tuloy-tuloy ng ilang araw, asahan mo na matatagalan pa bago mo masilayang muli ang kalsada.

Maraming disadvantages kapag baha. Nandiyan na ang kawalan ng mga pampasaherong sasakyan. Katwiran kasi ng mga drayber ay mas malaki pa ang kanila gagastusin sa pagpapagawa kaysa sa kanilang kikitain. Kung may bumiyahe man, asahang kundi doble, ay triple ang ibabayad mo. Ako ay halos hindi na makapasok kapag ganoong baha. Swerte ka na kapag nakatyempo ka ng trak - yeah, trak na karaniwang naglululan ng mga graba at buhangin. Wala pa naman akong nakitang trak ng basura. Kung minsan, mga bangka na mismo ang makikita mo sa mga kalsada. Exciting 'di ba?

Walang hanggang baha

Kung mababa ang inyong bahay at inabot ito ng baha, naku nakatatamad kumilos. Sa dati naming bahay na walang itaas o 2nd floor, talaga namang napakasaklap ng mga pangyayari kapag bumabaha. Naranasan ko na na pagkagising ko at pagbaba ng paa ko galing sa kama, nagulat na lamang ako ng maramdamang nabasa ako, pinasok na pala kami ng tubig nang hindi namin namamalayan. Good morning 'di ba? At syempre pa, paghupa ng baha, parusa rin ang paglilinis ng bahay. At talaga namang nakangangalay sa braso ang paglilimas. Madali rin masisira ang mga kagamitan sa bahay. Nasaksihan ko kung paanong lumutang ang aming sofa noong bata ako. Ang ilan sa aming mga kapitbahay ay natutulog sa kanilang bubungan. Nakalulungkot.

Pero siyempre may mga advantages rin naman kapag baha. Unang-una na, may instant swimming pool ang mga tsikiting. Noong bata pa ang Lolo niyo, ilang beses rin ako naligo sa baha sa loob ng bahay namin. Hindi sa kalsada dahil takot akong mahulog sa kanal at maging ala-ala na lamang. Umaabot kasi ng
hanggang baywang ang lalim ng baha sa bahay namin kaya ang saya saya namin ng kapatid ko. Hindi kami pinapayagan ng aming inay kaya sikwet lang namin. Pero nabuking rin kami matapos niyang makita ang mga talsik ng tubig sa aming kisame - katitimbol at kaka-dive siguro namin kaya ayun.

Dahil nga sa napaliligiran kami ng mga palaisdaan, kapag umapaw ang mga ito o napigtas ang mga pilapil, instant ulam ang asahan niyo. Bangus, tilapia, hipon at kahit mga sugpo, lahat ng ito ay mahuhuli mo sa'yong sala. Galeng no? Lugi nga lang ang mga namamalaisdaan.

Pero kahit binabaha ang aming bayan, marami pa rin ang mas pinipiling manatili rito. Iba pa rin kasi kapag nandun ka sa kinalakihan mong lugar. Masaya naman kahit ganoon, lalo na kapag piyesta - ang bayan na mistulang resort kapag tag-ulan ay nagiging malaking dancefloor naman kapag Mayo!

Ispiking op baha, alam niyo ba na ang bota o ang tinatawag na Wellington boots ay unang isinuot at pinasikat ni Arthur Wellesley, ang unang duke ng Wellington? Ginamit niya ito
noong 1900's hindi bilang panlusong sa baha, kundi bilang pamporma! Aba! Ito kaya ang gamitin ko sa blogger-event ngayong Huwebes?

Anong event kamo? Walang iba kundi ang tinaguriang pinakamalaking blogger party ng taon na gaganapin sa Taste Asia sa SM Mall of Asia, sa ganap na alas-siyete y medya ng gabi. Magparehistro ka na dito para makapunta ka at pwede ka pang magsama ng isa mong kaibigan! Dali na! Para makita mo ang botang isusuot ko!

6 (na) komento:

  1. naalala ko pa nung kami'y naligo rin sa baha nung kami'y bata pa. hindi ako nakapasok sa school nang isang linggo. nagkasakit ako at na confine pa sa ospital. typhoid fever ang diagnosis at noon ko nadiskubreng hindi pala masyadong masakit ang mga injections.

    TumugonBurahin
  2. sa inyo ba yan?

    wag ka mag da-dive ha.. he he e...


    puta ka ba sa bloggers party?


    nga pala. pede bakita i link?

    TumugonBurahin
  3. Kay Marc: Ganun?? Grabe naman. 'Di mo nga makalilimutan 'un!

    Kay Kingdaddyrich: hehe, pinipigilan ko nga sarili ko na 'di mag-dive eh!

    HAHA. 'Kala ko minumura mo na ko! LOL. Punta ko mamaya. At oo naman, pwedeng pwede iho! Salamats.

    TumugonBurahin
  4. Maraming salamat sa pagbati, Lolo! Maraming salamat talaga!

    TumugonBurahin
  5. Nung first year high school ako, lumusong ako sa baha sa south express way @_@ Para lang makauwi sa bahay

    TumugonBurahin