Ang kwento kong ito ay hindi patungkol sa isang uri ng pelikula gaya ng iniisip mo.
Kung naglibot-libot ka sa PinoyBlogosphere noong mga nakaraang araw, paniguradong napansin mo na may isang kontrabida na pinanggigi-gilan ng sangkatauhan. Tama! Siya na nga ang tinutukoy ng Lolo mo. Ang mapanlait na nilalang na ang pangalan ay 'di ko kailanman babanggitin o itatayp man lamang. Hindi ko lubos maisip kung paanong ang isang Pilipino ay ganoon na lamang kung hamakin ang kanyang mga kapwa Pilipino (OFW's pa, tsk!), na wala namang ginagawang masama sa kanya. Ewan ko. Siguro kasi may mga kaibigan at kamag-anak ako na OFW kaya hindi ko maiwasang mainis sa mga isinulat niya. Pero syempre, bilang isang Pilipino, talagang maaasar ka. Ate (ewww), mangilabot ka nga sa iyong sarilli. Hindi mo kailanman maaaring ipagkaila at baguhin ang katotohanan na ikaw ay isang Pilipino kahit ilang imported na kagamitan pa ang ibaon mo sa iyong katawan. Kung ayaw mo sa amin, mas ayaw namin sa'yo! Para masuksok sa iyong kaisipan na ang dugong nananalantay sa iyong 'di kagandahang pangangatawan ay dugong Pilipino, narito ang mga dapat gawin sa'yo:
- pagapangin papanhik at pababa ng Banaue Rice Terraces
- ihulog mula sa itaas ng Mt. Apo
- ipakiliti sa isang daang Tarsiers
- padaganan sa limampung butanding
- paglaruan na parang pinball sa Chocolate Hills
- sigawan ni Regine Velasquez ng "I Don't Wanna Miss a Theeeeng..." sa tenga
- ipakain sa Monkey-eating eagle
- pagulungin mula sa crater ng bulkang Mayon
- tadtarin ng itak at buhusan ng patis pagkatapos
- ipahalik sa mga dugong
- ipabugbog kay Manny Pacquiao
- ipakagat sa Philippine Crocodile
- tuhugin ng sungay ng mga Tamaraw
- ipatuka ang mga mata sa mga Kalaw
- punuuin ng Sampaguita ang butas ng ilong
- batuhin ng white sands ng Boracay
- palu-paluin ng tako ni Efren "Bata" Reyes
- lunurin at ilublob sa bagoong
'Yan pa lamang ang mga naiisip kong epektibong mga paraan upang mapanatili sa 'yong kokote (kung mayroon man) ang pagka-Pilipino.
Saka may payo nga pala ako sa nilalang na ito: Hindi ba sosyal ka at ubod ng yaman? Bumili ka na lang ng sarili mong eroplano sa susunod na magbiyahe ka para hindi natatalo ng amoy ng Axe ang amoy ng mamahalin mong pabango. Hmmm...Can't afford ba?! Eroplano lang eh! Kaya mo 'yan!
Ano nga ulit 'un? Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa saan? Saka ang hindi marunong lumingon sa pinang-galingan ay ano?
Alam ko mas marami pang mahahalagang isyu ang bansa na 'to na dapat nating bigyang pansin, pero 'di ba ang malaking problema ay nagsisimula sa maliit? At talaga namang sila ay nakapupuwing.
At yeah, this is a funny article too. Gets?
Basahin ang buong istorya tungkol rito.

Oooohhh nagsungit si Lolo!!! Hehehe. Kalma ka lang, ang puso niyo po ah.
TumugonBurahinKay mamai: Hehe...Okey na pow. Kailangan ko lang po ilabas. :D
TumugonBurahinAy! Mukhang hindi po niya alam ang isa sa mga pinaka mahahalagang rule sa pakikisama sa tao.
TumugonBurahinSinasabi sa rule: Mga MAGAGANDA lang ang may karapatang mag inarte.
Okaya sa wikang Ingles: Only the BEAUTIFUL have the right to b*tch.
By constantly b*tching about almost everything for being with fellow Filipinoes at her flight ride, she's only reinforcing her shall we say, CHALLENGED AESTHETICS.
Kaya may moral lesson po tayong matututunan dito, medyo tumingin muna sa salamin bago tayo magpaka "diva". Baka naman kasi pangit na nga tayo, pangit parin ang ugali natin.
Marc, maghunus-dili ka iho, hehe. Nakalulungkot isipin na may ganyan tayong kababayan. Sana ay humingi siya ng paumanhin sa mga taong nasaktan niya.
TumugonBurahinNaku ang puso ko! Ok lang naman po ako, releaxed lang ako.
TumugonBurahinI too blogged about this in my blog.
Parang masarap i drawing yung mga scenario na binigay mo. (hmm..imagination....)
TumugonBurahinOo nga po tita Janette! Nakaaaliw isipin. LOL.
TumugonBurahin