Biyernes, Agosto 3, 2007

Pangalan

"Ano bang itatawag ko sa'yo, Ivan o Harry?" ang nasambit na katanungan ng aking apong si Aileen sa akin habang nasa Gilligan's kami pagkatapos ng katatapos lang na blogger event. Nakasanayan na niya kasing tawagin akong "Ivan" dahil 'un ang tawag ng mga tao sa akin sa dati naming opisina, pero nitong huli, nahawa na siya kay Eilanna na "Harry" naman ang tawag sa akin. Sa eskwelahan, "Ivan" ang tawag sa akin. Sa bahay, depende. Halimbawa, 'pag pinapagalitan ako, "Ivaaaan!", pero pag hihingi ng pambayad ng ilaw si inay, "Harry" na medyo malambing ang dating.

Parehong "Ivan" ang first name namin ng aking kapatid, kaya naman 'pag may tumawag sa telepono, "Hello, pwede po kay Ivan?"; "Sinong Ivan? Ivan Harry o Ivan Bryan?" ang eksena. Hindi ko alam sa aking mga magulang kung bakit ganun ang kanilang trip. Ang alam ko lang, ang una kong pangalan ay hinango sa pangalan ng isang mandirigma sa Russia. Ang pangalawa naman ay hinango sa pangalan ng susunod na hari ng Inglatera.

Kayo? Alam niyo ba ang ibig sabihin at kung saan nanggaling ang inyong mga pangalan? Nagawa kong halughugin ang buong daigdig upang matuklasan ang mga pinagmulan ng pangalan ng ilan sa aking mga apo:

Marc - Ang pranses na pangalan para sa "Mark", na nagmula naman sa latinong pangalang "Marcus". Ito ay maaaring nag-ugat sa salitang "march".

Jeff - Ingles na pangalan na ang ibig sabihin ay kapayapaan.

Claire - Latinong pangalan na ang ibig sabihin ay malinaw o maliwanag.

Hindi ba't nakatutuwa? Sagot!!

Ang pinakamahabang pangalan naman daw sa buong mundo ay Adolph Blaine Charles David Earl Frederick Gerald Hubert Irvim John Kenneth Loyd Martin Nero Oliver Paul Quincy Randolph Sherman Thomas Uncas Victor Willian Xerxes Yancy Zeus Wolfeschlegelsteinhausenbergerdorffvoralternwarengewissenhaftschaferswesenchafewarenwholg epflegeundsorgfaltigkeitbeschutzenvonangereifenduchihrraubgiriigfeindewelchevorralternzwolfta
usendjahresvorandieerscheinenbanderersteerdeemmeshedrraumschiffgebrauchlichtalsseinurspru
ngvonkraftgestartseinlangefahrthinzwischensternartigraumaufdersuchenachdiesternwelshegehab
tbewohnbarplanetenkreisedrehensichundwohinderneurassevanverstandigmenshlichkeittkonntevor
tpflanzenundsicherfreunanlebenslamdlichfreudeundruhemitnichteinfurchtvorangreifenvonanderer
intlligentgeschopfsvonhinzwischensternartigraum Senior

Kumusta naman kaya siya noong nasa kindergarten pa lamang siya? Malamang ay puno na agad ang kanyang papel o hindi pa siya nakasasagot sa eksam ay "Pass your papers, finished or not yet finished" na sabi ni titser. Mapapansing ginamit ng sunud-sunod ng kanyang mga magulang ang lahat ng titik ng alpabeto bilang mga initials ng kanyang unang pangalan. Maaari rin naman siyang itago sa pangalang Hubert Blaine Wolfeschlegelsteinhausenbergerdorff, Sr. for short ika nga.

Ang itinuturing naman daw na pinakapopular na mga pangalan sa daigdig ay "John" at "Grace".

Ikaw? Gusto mo ba ang pangalang ipinagkaloob sa iyo ng iyong mga magulang? Kung hindi, at bibigyan ka ng pagkakataon, babaguhin mo ba ito? Dapat ko bang papalitan ang aking pangalan at gawin na lamang itong "Brando" o "Jabar" para mas astigin ang dating?

Sa tunay na buhay, Ivan o Harry o Ivan Harry, ayos lang kahit alin dito ang itawag sa akin, at sa pinoy blogosphere, ako siyempre ang "Lolo" niyo.

Subscribe in a reader

24 (na) komento:

  1. Haha. Ako rin Lolo. Nahihilo mga tao sa tawag sa akin. Nung elementary at high school pangalan ko "Hector" (first name ko). Pagdating ko po sa kolehiyo, naging "Bryant" (na second name ko). Pero sa mga kapitbahay ko at mga tao sa bahay, ang pangalan ko ay "Ivan" (na palayaw ko. Opo, Ivan, tulad ng inyong pangalan.) So, pag may naghahanap sa akin sa bahay at wala ako, at di nag-iiwan ng pangalan ung nagtatanong, tinatangon ko kung anong pangalan ko ang tinawag sa akin. Hehe. Pero ngayon, medyo ang nag-stick na lang na name ay iyong "Bryant" at "Ivan" at may panaka-nakang "Hector" na lang.

    TumugonBurahin
  2. kung kayo ng kapatid mo ay parehong ivan, at nalilito kayo kung may naghahanap sa inyo sa telefon, ako naman, nung bata, laging tampulan ng tingin lalo na pag sinasabi ng teacher ko na: "is that clear?" haynaku, ewan ko ba at sa akin naman tumitingin mga kaklase ko, "uy, Claire daw" ... haynaku. ang layo naman ng Clear sa Claire eh.. :(

    TumugonBurahin
  3. Aba! Nasa Gilligan's din pala kayo? Sayang naman, edi sana natagayan pa kita, Lolo! Haha!

    Naaawa talaga ako sa mga batang may mahahabang pangalan. Pinahihirapan talaga sila ng mga magulang nila, tapos minsan.. ang complicated pa ng spellings. :))

    E paano naman po ang Jed/Jhed? Nyahahaha!

    TumugonBurahin
  4. Ay, gusto ko yung JABAR. Parang astig. Abu Jabar Ibn Khaldun. O diba. Susyaleeeeeeen!

    HAHA.

    Panget ang tunay kong pangalan. I mean, yung 2nd name ko. Hindi yung 'Kevin'. :d

    TumugonBurahin
  5. potaaaaa.

    TIGA-OBANDO KA RIN!?!?! tiga-obando ako! i mean, yung mga relatives ko. san ka sa obando?

    TumugonBurahin
  6. Kay Bryant: Aba! Katukayo pala kita ah. Ang galing! Kaya pala malakas din ang dating mo gaya ko. LOL.

    Nakalilito naman talaga 'pag masyadong maraming pangalan eh. Haaay...

    TumugonBurahin
  7. Kay Claire: Hahaha...kakatawa naman! Layo naman nga, baka medyo mahina pandinig ng mga kaklase mo. ;p

    Dapat binato mo sila ng cotton buds. LOL

    TumugonBurahin
  8. Kay Jhed: Oo iho. Pero wala pang sampung minuto ay umalis na rin ako sapagkat may trabaho nga ang iyong lingkod. Sabi ko na nga ba, ang trabaho ay nakasisira ng gimik.

    Siyang tunay! At Jhed/Jed ba kamo?

    Jed - Amerikanong pangalan na ang ibig sabihin ay kaibigan ng diyos.

    Ano????! LOL

    TumugonBurahin
  9. Kay utakGAGO: Tutyal nga kaso baka naman 'di ka papasukin sa mga malls o airports kaagad. LOL.

    Pangit ba? Sige Moses na lang tatawag ko sa'yo! nyahaha.

    Akalain mo nga naman oh. Sa pag-asa ako. Napunta ka na?

    TumugonBurahin
  10. ako. mahal ako ang pangalan ko ng JODIMER. nag-iisa lang sa mundo yun eh. ganda pa ng meaning.

    Jesus Our DIvine MERcy.

    hehe. hindi ko na gustong palitan pa.

    TumugonBurahin
  11. Haba naman pangalan na yan. Ok na ako sa name ko... Al tawag saken sa bahay. Ely ng mga friends (Simula nung sumikat si Ely Buendia)...

    TumugonBurahin
  12. Kay Jod: oy nays! dapat ka nga maging prawd sa neym mo.

    TumugonBurahin
  13. Ndi, hawig lang sa pangalan...hehe. Lamang lang naman si Ely B. ng isang paligo saken.

    TumugonBurahin
  14. Kay ely: Naks! isa lang ba? Tantya ko dalawa eh, LOL. Oops, joke lang.

    TumugonBurahin
  15. Nag-TRIP lng Mama ko kaya nagkaroon ako ng pangalan. Walang ibang pinanggalingan kung hindi sya. HeHe.

    TumugonBurahin
  16. Kay Reyville of Simply Manila: hehe. eh 'di okay, unique!

    TumugonBurahin
  17. I had no idea. Sabi ng nanay ko pangalan daw nung batang yagit na lagi namamalimos ung "jeff" kaya yun pinangalan nya sakin eh. LOL

    TumugonBurahin
  18. One word lang pangalan ko kaya u at yun tawag sa akin :D Napapa-ikli lang minsan. Naglalaro ako ng Ragnarok kung saan iba ang avatar's name ko kaya kung magkikita kami ng mga kasama ko sa Ragnarok - Paris ang tawag sa akin. Pero kapag may sumigaw na Paris, di ako lumilingon. Haha!

    TumugonBurahin
  19. Kay fire eye'd boy: AHAHA...kaaliw naman! nasaan na kaya 'un bata?

    TumugonBurahin
  20. Kay Paris: Ay layk yor neym! Gandaahh... :D

    TumugonBurahin
  21. This actually made me think. I know where my parents got my siblings' names, but they don't really have any inspiration regarding where they got mine. Sabi ng dad ko, pumasok lang daw sa isip nya. My name is of Italian background, which is good enough for me.

    TumugonBurahin
  22. hehe! ako maganda naman real name ko kahit sa tingin ko eh common na..hango sa bday ko.

    hindi nelo ah! :D

    kawawa naman talaga yung may ari ng pangalan na binanggit mo...mabilis magkakakalyo yung bata dahil sa pagsusulat..luku-luko din magulang nun ah! lakas mang trip

    TumugonBurahin