Sa unang pagkakataon ay nakadalo rin ang Lolo niyo sa isang blogger event at ito nga ay ang pag-anunsiyo ng Top 10 Emerging Influential Blogs of 2007, isang astig na proyekto ni Tita (pahiram lang Kevin) Janette Toral (Congratulations po!) na ginanap kaninang alas-sais hanggang alas-nuwebe ng gabi sa lungsod ng Makati.
Nakatutuwa ang mga nangyari. Isang magandang karanasan ang makilala ang mga mukha sa likod ng mga blog na aking binabasa lalong-lalo na ang aking mga apo. Pagpasensyahan niyo na ang Lolo niyo at hindi ako masyadong naglibot-libot sapagkat ako ay sadyang mahiyain (sa umpisa).
Binabati ko ang lahat ng mga pinalad magwagi ng $100 at mga nakapasok sa sampung karapat-dapat,
lalong-lalo na ang mga nakatalikod na nilalang sa larawang ito...
at siyempre, isang masigabong palakpakan nga diyan para sa aking blogging idol na si Bb. Aileen Apolo...
Nahuli man ako sa aking trabaho (nakailang tawag rin sa aking telepono si bossing), sulit naman ang aking pagdalo at pakiramdam ko ay isa na talaga akong ganap na blogger - nakana!. Pasalamatan rin natin ang mga nasa likod ng kaganapang ito, Galing Pinoy, RegaloService, InfoTxt, Jardine Distribution Inc., Dominguez Marketing Communications, Philippine Internet Review, DigitalFilipino.com Club, YesPayments, YesPinoy, at Yehey!.
Hanggang sa muling pagkikita na gaganapin naman sa ika-23 ng buwan na ito sa Taste Asia, SM Mall of Asia. Bisitahin ang An Apple a Day para sa mga karagdagang impormasyon.
Muli, kong-grats sa inyong lahat at oo, handang tumanggap ang Lolo niyo ng balato ano mang oras ninyo naisin .
Subscribe in a reader
Thank you very much for supporting this event. May I include your photos here in our Webshots (posted in our site), attributing your blog site as photo source?
TumugonBurahinThank you.
Lolo! Hehe. Salamat po ng marami, at nakilala na rin kita sa personal. Haha! Joke lang naman yung kape. ;))
TumugonBurahinSalamat po ulit, Lolo! :D
ang galing naman..very successful event..pumunta ka rin pala ako hindi :D
TumugonBurahincongrats sa mga nanalo!
Shur Lolo! Haha. Pwede namang hiramin ang 'Tita' kay Tita Janette. Nyahaha. :d
TumugonBurahinAnyway, sayang. Paalis na talaga kami nun tas naisip ko na kamustahin ang lolo ko.
Pero nung pagdating ko pa lang sa harap ng Max's, iniisip ko na parang pamilyar yung mukha mo.. sabi ko "sino ba to!?!"
lolol.
:D nice meeting you. sa uulitin!
hi ang lolo niyo! nice meeting u po! link po kita sa blogroll ko! weeeeeeeeee!
TumugonBurahinMaraming salamat po Lolo. Si Eilanna ang may kasalanan kung bakit na-late ka ha! hehehe. At huwag kalimutan sa ika-23 ng Agosto!
TumugonBurahinnagpadala ako ng tao dun sa event kaso hindi yata kayo nagkadaupang palad. sayang naman! hanggang sa susunod!
TumugonBurahinKay Ma'am Janette: Walang anuman po at opo, pwedeng-pwede po ninyo gamitin ang mga larawang iyan, kayo pa? "Strong" po kayo sa akin. :)
TumugonBurahinKay Jhed: Hehe. Ang tangkad ko sa personal ano? wahaha...Joke lang ba? Tototohanin ko sana kung wala lang ako pasok eh, :D
TumugonBurahinKay Nelo: Oo nga eh, 'di ka nagpunta, abala ka siguro sa pagbebenta ng gatas. Pero meron pa namang susunod at sana ay makapunta ka na.
TumugonBurahinSalamat Kevin! Sasauli ko rin naman pagkatapos ko gamitin, haha.
TumugonBurahinPagdating ko rin at nakita ko kayo, hinulaan ko agad kung sinu-sino kayo, at tumpak naman ang hula ko sa inyo ni Jhed. :D
Hanggang sa muling pagkikita, at sana mas matangkad na ko sa iyo 'nun! wahaha...
Uy salamat Jehzeel...bibisita ako sa iyong blog ilang minuto mula ngayon. :D
TumugonBurahinKay Ma'am Ai: Oo nga po! Siya talaga! hehe...Punta po ako 'dun pwamis.
TumugonBurahinKay Billycoy: Oo nga...malamang hindi kami nagka-ututang-dila ng iyong tao. Sa susunod na lamang na pagkakataon apo.
TumugonBurahinKainggit!
TumugonBurahin'Tang, ikinagagalak ko na makita ka, sampu ng mga iba pang mga bloggers. Maraming beses na akong nakikipag-meet, pero eto ang unang pagkakataon ko para makipag-meet sa mga kapwa-bloggers.
TumugonBurahinHappy Rakenrol Congratulations sa mga nagsipagwagi.
OT: 'Tang, paki-palitan po 'yung link ko. http://www.jakethemiserable.com po kasi ang main blog ko. 'yung http://exboyfriend.jakethemiserable.com ay sekundarya lang naman. Pero mas rakenrol 'yun kung pareho mo silang ilalagay sa link list.
Siyempre nasa link list ko na rin ang blog niyo po. Sana'y magbalik kang muli. Rakrakan na, loh!~ Weee!~
Sana'y mabigyan muli ng pagkakataon para makasama kayong lahat! Di ako nakaikot sa lahat upang makilala ang ating mga Pinoy bloggers. Sayang! Medyo mahiyain pa kami ng mga kasama ko kasi - unang pagdalo namin sa isang ganun na pagtitipon!
TumugonBurahinLolo, nawa'y lumakas lalo ang blawg niyo at lalong dumagsa ang mga nagbabasa nito! Maraming salamat!
Kay Marc: Punta ka sa ika-23 ng Agosto!
TumugonBurahinKay Jake the Miserable: Ikinagagalak rin kitang makita, at sana sa susunod ay makamayan din kita.
TumugonBurahinNapansin ko na nga iyon ngunit 'di ko nabago, may katamaran kasi ang Lolo mo...LOL.
Salamats apo.
Kay anitokid: Mahiyain pala tayo pareho...haha. Malapit na ang muling pagkikita-kita, sana ay mas marami pang dumalo.
TumugonBurahinNaku, maraming salamat iho. Muli, binabati kita.
Congrats sa mga nanalo ^_^
TumugonBurahin@Ang Lolo Niyo - Salamat sa pagpayag mo. Nais ko ring banggitin na nagsimula na ang Filipina Writing Project. Sana ay makasali ka.
TumugonBurahin