Martes, Marso 2, 2010

Ang Nakaraan



Ang nakaraan ay dapat nang kalimutan. Wala itong magandang maidudulot sa sitwastong nakapalibot sa iyo sa kasalukuyan.

Katanggap-tanggap nga ang magbalik-tanaw paminsan-minsan ngunit, kung ang pagsilip mong muli sa iyong nakalipas ay may kasamang panghihinayang at pagsisisi, anong buti ang iyong matatamo rito? Hindi mo maaaring pagsamahin ang iyong nakaraan sa buhay na mayroon ka na ngayon. Maguguluhan ka lamang at masisira ang iyong mga diskarte dahil sa multo ng mga nagdaang panahon.

Baunin mo na lamang ang mga aral na napulot mo mula sa iyong mga karanasan.  Ito na marahil ang pinakamainam na gampanin ng nakaraan sa buhay. Huwag mo nang tawirin pa ang tulay patungo sa nakalipas. Marupok na ito.

Ang paglalakbay sa buhay ay pasulong. Malimit ay napapalingon tayo sa ating likuran, ngunit hindi ibig sabihin nito ay ihihinto na natin ang paghakbang.


2 komento:

  1. Tama ka Lolo Harry. Ang nakalipas ay nakalipas na, magagamit natin itong gabay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay pero hindi tayo dapat maiwan sa nakalipas..hindi masamang balikan ang nakalipas paminsan-minsan...wag lang natin kalimutan ang hinaharap. :)

    TumugonBurahin
  2. @Eilanna at ang kasalukuyan. :) Salamat sa pagdalaw!

    TumugonBurahin