Nakatutuwang malaman na mayroon ulit Top 10 Emerging Influential Blogs ngayong taong ito. Simula noong 2007, ako ay buong pusong sumusuporta sa proyektong ito ni Bb. Janet Toral. Naniniwala kasi ako na malaking bagay ang naitutulong nito upang kundi man maipakilala, ay maimpluwensiyahan ang mga baguhang blagero.
Narito ang unang bahagi ng aking mga nominado para sa taong ito:
1.) Patay Gutom - mahilig sa kainan ang Lolo niyo. Kaya naman nakatutuwang malaman na mayroong isang grupo ng mga Patay Gutom na nagbuo ng isang blog para sa mga pagkain. Talagang matatakam ka at nanaisin mong kumain ng kung ano mang ikinukuwento nila, at sa mga letrato pa lamang, magugutom ka na!
2.) Kelvinonian Ideas - potograpiya, teknolohiya, hanggang sa mga PSP wallpapers...naaaliw ako sa blog na ito at sa gawi ng pagsusulat ng may-akda - at siya ay 17 taong gulang pa lamang!
3.) Father Blogger Dot Com - may sense ang mga nakasulat sa blog na ito. Mga paksang pangkarinawan na nating naririnig, ngunit naisulat sa kakaibang angulo at pang-unawa. Ito ay isa sa mga blogs ngayon na maituturing kong may puso. (Kala mo saging lang ha?)
4.) Batang Lakwatsero - dahil sa rayuma ay hindi pala-alis ang Lolo niyo. Kaya naman sa mga travel blogs na gaya nito na lamang ako nakapapasyal. Lay-out, paraan ng pagsusulat, at pagkuha ng letrato ang nagustuhan ko sa lakwatserong ito.
5.) Tunay na Lalake - aliw na aliw ako sa mga nakasulat rito. May sense of humor. Mga importanteng katangian daw ng isang tunay na lalake.
UPDATE:
6.) WritingToExhale - malikhaing pagsusulat at wastong pagtalakay sa paksa ang naging basehan ko upang isama ang blog na ito sa aking listahan. Dalawang posts pa lamang ang aking nababasa sa blog na ito ay napa-oo na ako.
7.) VideoChops - bibihira na ang mga video blogs kaya naman hanga ako sa makulay na blog na ito. Naniniwala rin ako sa kakayahan at talento ng may-akda pero hindi pa niya ako sinuhulan para mapasama siya rito.
UPDATE:
8.) Zorlone - Hindi madaling sumulat ng isang post, at lalong hindi madaling lumikha ng isang magandang tula. Kaya naman matapos kong mabasa ang ilan sa mga tula sa blog na ito, ako ay humanga at 'di na nagdalawang-isip pa na isama ito sa aking mga nominado.
9.) Through the Focal Glass - Gusto ko ang layout, and titulo ng blog, at ang gawi ng pagtalakay sa iba't-ibang paksa. Gusto ko rin pumwesto sa kaliwang bahagi ng header nito.
10.) I Love/Hate America - kakaibang paksa ang tinatalakay sa blog na ito. Kakaibang paksa sa blogging world, ngunit maituturing nating pangkaraniwan para sa ating mga Filipino. Anu nga ba ang mga bagay-bagay na gusto at ayaw natin sa bansang itinuturing ng marami na ating kakampi? Maipagmumuni-muni mo ang lahat ng 'yan sa pamamagitan ng blog na ito.
Sa wakas ay natapos ko rin ang aking listahan. Masasabi kong mas nabigyan ko ng panahon ang aking pagdedesisyon ngayong taon na ito, kumpara sa mga nakaraang taon. Naway walang sumama ang loob, sapagkat kung ako lang ang masusunod ay lampas ng sampu ang aking isasama.
Ang mga magwawagi ay ipagsisigawan sa taumbayan sa ika-8 ng Agosto, alas-sais hanggang alas-onse ng gabi sa Forum Hall, Casino Filipino, PIRC Bldg. Ninoy Aquino Avenue, ParaƱaque City.
Pindot lang dito para sa mga karagdagang detalye.
Ang proyektong ito ay inihahatid sa atin ng mga bonggang-bonggang isponsors:
- Absolute Traders
- My Brute Cheats
- Business Summaries
- Blog4Reviews.com
- Fitness Advantage Club
- Events and Corporate Video
- Events at Work
- Dominguez Marketing Communications
- Red Mobile
- Budget hotel in Makati
- Lucio C. Tan Group of Companies
Binabati ko na ngayon pa lamang ang lahat ng mga nominado, at ang mga bumubuo sa kaganapang ito!
Congrats sa mga nominees mo bro. Sana po ang magkapuwang ang aking blog sa iyong Top 10.
TumugonBurahinCheers,
Snow
http://dearbloggery.com
ang hirap bumuo ng top 10, no? hehe. ako rin top 6 pa lang e. :)
TumugonBurahin@Coy Ang hirap nga! 'Di katulad dati. Heheh.
TumugonBurahinHi Ivan,
TumugonBurahinLolo rin po ako - Lolo Jan.
Walang mawawala kung ipagmarangalan ko blog ko. Try ko lang ha? Sensya na. It's called WritingToExhale.
Tungkol sa pagba-blog, pagsusulat, at kaganapan at puna sa social media ang pokus ng blog ko.
Sana mapadalaw ka minsan. Ipaghahanda kita ng nganga (betel nut). O kapeng barako kung gusto mo.
Nice to meet you. ",)
Jan,
TumugonBurahinPupunta ako sa blog mo, ang nganga wag kalimutan, hati tayo.
aba, kulang pa pala ang listahan ni Lolo! Tulungan ko po kayo para hindi na kayo mahirapan.
TumugonBurahinTutal, inumpisahan na rin lang ng aking mga kaibigan (Snow at Jan), susunod na rin ako.
The Struggling Blogger po, puro struggles ang buhay (lahat naman tayo), pinipilit i-ukit ang pangalan ko sa blogosphere.
Salamat po ;)
P.S. salamat din po pala sa pag-nominate ninyo kay father blogger
Nasa Top 10 EB ka nung 2007 di ba? hehe.
TumugonBurahinCheck out mo rin yung new Blog ko for Video Bloggers - http://VideoChops.com . Baka pwede sa taf 10. :P
Salamat din Roy!
TumugonBurahin@Coy Oo. Nandun ako sa isang sulok noong 2007. Salamat sa suhestyon!
yey! salamat sa iyong pagboto sa aking blog!! ^__^
TumugonBurahinsalamat po tlaga! hehe
hahaha.. salamat sa pagboto sa akin lolo. :D pagbati mula sa lakwatsero :P
TumugonBurahinganeng? akey wala sa list? :) susumbong kita sa lola ko :)mwah!
TumugonBurahinLolo,
TumugonBurahinKayo ba ay mahilig tumula? Baka magustuhan nyo ang aking blog. Ang tema ay mga tula na nalika upang makapagbigay tuwa sa madla.
Z
na high blood naman ako sa kakahanpkung saan pwedeng makapag comment. yun pala kasi tagalog. hahaha. nakalimutan ko na tuloy kung ano iku-comment ko.
TumugonBurahinlove,
nobe
www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com
try mo ito... gagongkasabihan.blogspot.com (parang no. 5)
TumugonBurahinSana'y mabigyan mo man ng pansin ang aking blog para sa iyong listahan ng mga nominado. :)
TumugonBurahinHi. Kindly complete your qualified top 10 list on or before August 3 in order to be counted.
TumugonBurahinFor inclusion in the raffle, please include the latest list of sponsors.
Thank you.
Lolo Ivan Harry,
TumugonBurahinSalamat po sa napakagandang deskripsyon sa bahay ko.
Sana ay maibigan nyo ang tulang inihandog ko para sa inyo.
0805200917191724
Kay bagal ng paglakad - naghuhuminahon,
sa pagsilip, sa pagdalaw, dito sa kabilang nayon.
Bahay kubo mo, matangkad sa malayo,
bawat pader na nipa, ay sadyang matipuno.
Kumatok ang nanginginig kong kamao sa pinto,
iyong pinagbuksan at mainit na pinapasok.
Inasahan kong lolo, di naman pala ugud ugod,
kay liksi, kay sigla, buhay ay may pag irog.
Boses na anghel, tila ba bumubulong,
nagaalab na paghinga, sa bayan ng dalawang ilog.
Z
Hello Ivan Harry. This is to mark your entry as complete and included you in the raffle. See you this Saturday ha?
TumugonBurahin@Z Maraming salamat. Nakakataba naman ng puso!
TumugonBurahin@Janette Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya upang makahabol sa Sabado. Kung 'di ako makapunta ay magpaparamdam na lamang ako sa inyong event. Salamat po!!
lol. it took me sometime before i could find the word "comment" here. comment=puna pala (new learned word)
TumugonBurahinAnyway, thanks for pointing out what you like about my site, I am greatly flattered that anyone would actually appreciate my site and at the same time vote for it :)
and if you do want to pwesto in my old header.. we can arrange for those guys (aethen.com, bryankarl.net and jason of absolute cousins) to meet again and pose for the pic in a different CR this time and with you included in the pic.
Anyway, here's to a hard effort in Tagalog:
Salamat sa pagsali ng Focalglass sa mga nominasyon mo. Lalo akong natutuwa na hindi lang pangalan at link ng blog ko ang nilagay mo sa site nimonasyon, pati pagpapaliwanag mo sa bakit gusto mo blog ko.
(toinks at the wrong grammar, thanks again! :))