Sa buhay, hindi lahat ay sakto. Hindi lahat ng pangyayari, humuhusto sa plano mo. Kung minsan ay sobra. Kung minsan ay kulang.
Ano nga ba ang mas mainam - ang makatanggap ka ng kapos, o ng higit sa iyong inaasahan? Alin man sa dalawa ay nakakadismaya pa rin, hindi ba?
Ano nga ba ang mas mainam - ang makatanggap ka ng kapos, o ng higit sa iyong inaasahan? Alin man sa dalawa ay nakakadismaya pa rin, hindi ba?
Kung sakaling hawak mo naman ang pagpili, ano ang iyong ibibigay kung hindi wasto?
Ang kulang kung kaya't kulang ay hindi sapat. Hindi nito kayang abutin ang tayog ng kanyang inaasahan. Hindi siya kailanman magiging kuntento. Uhaw at gutom ang magiging bunga nito pagtagal-tagal. Hindi ka dapat magbigay ng kulang sa inaasahan. Walang sinuman sa mundong ito ang magiging masaya sa kulang.
Kaya mo bang ibigay ang sobra pa sa kanyang inaasahan? Tama ba ang higitan mo ang kanyang hinihingi?
Sa una'y maaaring lubos nga ang kaligayahan ngunit, darating rin ang panahon na mapupudpod ka rin. Mapapagal ka rin sa pagbibigay ng labis. Lalo na kung hindi naman niya ito tinutumbasan.
Dahil hindi niya kayang tumbasan ang sobra. 'Pagkat pinili pala niya ang magbigay ng wasto - na kahit wasto ay kulang pa rin para sa'yo, kulang sapagkat labis ang iyong ibinigay.

Hindi lahat ng labis ay may sukli.
E Paano naman yung mga taong may hinihinging sukli kahit na alam nila na kulang ang binigay nila?
TumugonBurahinOkay lang naman na short changed ka paminsan-minsan.
TumugonBurahinCan we exchange link?
mas mainam na magbigay ka ng higit kaysa naman kulang!!!
TumugonBurahinang lalim naman, para sakin okay lang na magbigay ka ng labis para kahit anong mangyari di ka magsisisi kung bakit kulang ang binigay mo :) pero sabi nga nila, "lahat ng labis ay masama"
TumugonBurahinbrad, magandang araw, napakaganda ng paskil mon ito, siya nga pala, yayain sana kitang makipag link exchange sa:
TumugonBurahinhttp://pinoylinkexchange.co.cc
Pataasin natin ang kalidad at suportahan ang mga blogger na Pilipino.
salamat.
naku... agree ako kay bern, hahai...life tlaga!
TumugonBurahinguilty ako
TumugonBurahinNice post! Napaisip ako dun ah!
TumugonBurahinNasisiyahan na may natagpuan ang iyong pahina, gusto ko ito!
TumugonBurahin