Huwebes, Abril 2, 2009

NBI Clearance 101



Panahon na naman kung kailan pinakamaraming naghahanap ng trabaho. At kakambal ng pag-aapply ay ang pagkumpleto ng mga kinakailangang dokumento at iba pang anik-anik. Isa na rito ang NBI clearance. Ang NBI clearance ay isang dokumento na nagpapatunay na ika'y wala o wala nang bahid ng kahit anung kriminal na kaso kaya nararapat kang tanggapin sa isang trabaho.

Ang main branch kung saan ka maaaring kumuha ng NBI clearance ay ang kanilang opisina sa Carriedo (
Carriedo Plaza Building, Carriedo St. cor Estero Cegado and Sales St. Quiapo, Manila) malapit lang ito sa LRT1 Carriedo station. Bukas ang kanilang tanggapan mula alas-otso ng umaga, hanggang alas-singko ng hapon, Lunes hanggang Biyernes. Para sa akin, mas maganda kung umagang-umaga ka pupunta upang kakaunti pa lamang ang tao. Iwasan ding pumunta ng Lunes dahil paniguradong box office ito.

Siguraduhing may dala kang ballpen (black), ID, at siyempre perang pambayad sa clearance na nagkakahalaga ng P115.00 hangggang P415.00 depende sa iyong pakay. (Narito ang kanilang price list.
)

Hindi totoong kailangan ng cedula gaya ng tsika ng mga mapagsamantala sa labas ng tanggapang ito.

Pagpanhik mo sa itaas ay makakikita ka ng cashier kung saan may nakapaskil na "Pay P20 for renewal and new applicants". Matapos mo magbayad ay mapapansin mong parang entrance ticket ito. Hindi ko mawari kung para saan ang bayad na ito ngunit mukhang hindi ka papapasukin sa opisina nila hangga't hindi ka nakababayad. Bongga! Parang sinehan lang may entrance fee!




Pagpasok mo naman ay diretso ka na sa "NBI Application Forms Here " window. Dito ka kukuha ng application form at kung wala ka ring ballpen, ay may tinitinda din sila rito. Saya!




Pagtapos mong masagutan ang papel na ito ay pila ka na sa Step 1 upang magbayad para sa clearance. Kung may sakto kang pera gaya ng isang isang-daan at tatlong limang-piso para sa P115.00, doon ka na magbayad sa mga machine. Mas mabilis at mas susyal.


'Pag may resibo ka na ay dahan-dahan ka nang umaykat sa susunod na palapag. Tandaan: Dahan-dahan. Nasa palapag na ito ang Steps 2, 3 at 4. Sa step 2, titingnan kung tama at kumpleto ang mga pinaglalalagay mo sa form. Tititigan lang ito ni manong ng ilang sandali at sasabihan ka niyang go go go
na sa next step (kapag wala kang kulang o mali) kung saan hahanapin naman sa kanilang talaan ang iyong pangalan. Dito nila nalalaman kung ikaw ay may kaso o may kapangalang mayroong kaso (kagaya ko).




Ang susunod ay ang piktyur-piktyur. Bawal ang may nakasukbit na bag. Magagalit si kuya. Payuko rin ang gagawin mong pose sapagkat mababa ang kamera. Siguradong doble ang 'yong baba, o kitang-kita ang 'yong mga eyebags. Ang letrato sa NBI clearance ay maituturing natin na pinakamasagwang kuha natin sa ating buong buhay. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kamera na iyon at magmumukha kang masamang-loob.

Pagkatapos mong magpakuha ng letrato ay panhik ka ulit ng dahan-dahan sa susunod na palapag para sa Steps 5, 6, at 7. Sa step 5, lalapirutin ni manong ang 'yong mga daliri at ididiin sa tinta at sa form mo para sa finger prints. Mamamangha ka na lamang at para bang may sariling buhay ang iyong mga daliri. Maghanda rin ng dalawang-piso. Dalawang-piso para sa ink remover chenes ni manong o mas kilala natin sa tawag na wet tissue. Hindi naman sapilitan ang pagbili nito gaya ng mga nakapaskil sa paligid - "Kung sino lang ang may gusto." Siyempre, dahil puno ng tinta ang iyong mga kamay, bibili ka na rin kung ayaw mong umuwi bilang isang ganap na taong grasa.


Matapos ang masinsinang pagpapahid ng kamay ay lipat ka na sa step 6 kung saan malalaman mo na kung makukuha mo na kaagad ang iyong clearance at didiretso ka na sa step 7, o mamalasin ka sapagkat may kapangalan ka na mayroong kaso at babalik ka na lamang sa petsang itatatak ni kuya sa resibo mo.


Sa mga swerte't pinagpala, diretso na sa releasing, at pagkatapos ay pila na sa thumb printing para sa nakuha mo nang clearance. Siyempre pa, may mga negosyante rin sa step na ito - envelope para nga naman 'di malukot ang pinagpaguran mo, at may photocopy na rin. Yehey!

Para sa ilan pang karagdagang impormasyon tungkol sa NBI Clearance, klik mo 'to now na!

Sana sa hinaharap ay mas mapadali pa ang proseso nito (online, phone, etc.) daba?

Bow.


9 (na) komento:

  1. isa ako sa mga naloko ng mga mapagsamantalang nagbebenta ng sedula sa labas ng NBI-Taft.first time kong kumuha ng NBI clearance noon bilang isa sa mga requirements ko sa part-time job (Jollibee). working student kasi ako dati. makaraan ang ilang taon, hindi pa ulit ako nakakakuha ng NBI clearance. ang nakakasiguro ako, andun pa rin ang mga mapagsamantalang nagbebenta ng sedula, naghihintay ng mga mabibiktimang walang muwang (na gaya ko noon).

    TumugonBurahin
  2. naalala ko tuloy noong nilakad ko yang NBI ko na yan. medyo toxic pero once makuha mo na--ang saya! hehehe! akala ko kasi hindi ako makakasurvive! hehehe!

    badtrip nga lang kasi kinailangan kong bumalik may kapangalan ko...and i thought my name was unique...hehe!

    TumugonBurahin
  3. hi lolo, malaking tulong itong isinulat mo. A guide para sa mga first time na kukuha ng NBI. Kailangan lang talaga ay wag kang papalinlang sa mga fixers na yan.

    TumugonBurahin
  4. i lurve ur blog.. magbabad ako nito one of these days!

    workmode muna! hehheh

    TumugonBurahin
  5. mga chief paano kaya ung akin hindi ako nakapag pa pingger print sa clearance ko? pwede bang ako na lng mag pingger print sa clearance ko? may required bang kulay un? o pwede na ung blue? kasi puyat pa ako from technical service work na graveyard shift tapos pag abot ko nung resibo sa nag rerelease inabot lang clearance at wala na sinabi. dineretso ko na lng sa envelope ko at umuwi na ako.

    TumugonBurahin
  6. ayun ok na po ung akin... hihihi ^^, pumunta po ako dun at pinagthumb print. hihihi pasensyahan nio na po ang pagka igno ko sa bagay na to... first time e...

    TumugonBurahin
  7. @Peter Julian Kailngan pa pala dun mismo magpa-thumbmark? Salamat at ngayon ko lang din nalaman 'yan. :D

    TumugonBurahin
  8. nakakatulong talaga ang mga ganitong post. sa ganon malaman ng mga readers kung ano yung i-expect nila pagpunta sa kiosk.
    nag post din ako ng tulad nito, eto naman yung karanasan ko sa kiosk robinsons cebu. dili nga lang ganito ka detailed pero nakakatulong din sa iba. punta ka dito.

    TumugonBurahin