Hindi Chocolate Hills o kung ano mang mabahong bagay gaya ng nasa isip mo ngayon ang nasa larawang ito...
Sapagkat ako'y naiinis at 'di mapakali kapag wala akong ginagawa, umisip ako ng isang gawain na maaaring maging libangan ko at syempre, sa hirap ng buhay ngayon, dapat pagkakakitaan rin.
Sa tulong ng aking inang, tinuruan niya ako kung paanong gumawa ng Sampalok candies. Opkors, hindi ko sasabihin dito kung paano ang proseso ng paggawa, maliban na lamang kung babayaran mo 'ko ng bonggang-bongga para ibunyag ang sikreto na kanyang pinagkatago-tago simula pa noong unang panahon.
Hindi naman ako mahilig sa Sampalok. Naging interesado lang ako kung paano ito ginagawa, at dala na rin nang pagkabato kapag walang pasok.
Pinis Pradak
Naging matagumpay naman ang aking pagluluto, at ngayon ay pinagkakaguluhan na ito ng aking mga kamag-anak at mga kaibigan. Kusang-loob at walang pamimilit na naganap sa kanilang pagbili. Wala talaga. ;)
Pero hindi pa rin ako marunong magluto ng kahit anong ulam, ni magsaing. Haha.
Bili na! Dali!
Abah! Ang sarap ha!
TumugonBurahin@Aileen Apolo: Opkors! Regalo ko sa inyo 'to sa wedding! LOL.
TumugonBurahinano ba yan..bigala tuloy ako nangasim at naglaway..hehe!
TumugonBurahingusto ko yung maasim tapos may asin. ayoko nung may asukal. hehe! choosy??? :P
Ahmmm....
TumugonBurahinSarap niyan... Sensya na... Mangga ang madalas kong kinakain ngayon....
Nangangasim tuloy ako.
Talagang mahirap na ang buhay ngayon! He he he . . . Magkano at saan ako makakabili ng sampalok mo, Lo?
TumugonBurahin@Tom Murang-mura lang'yan! Magdadala ako sa blogger events. haha.
TumugonBurahin