Biyernes, Marso 27, 2009

I Love Lumba-Lumba

Batid ng karamihan sa mga nakakikilala sa akin na ako ay lubos na nahuhumaling sa mga lumba-lumba. Kung isang uri ng tao ang nasa isip mo ay nagkakamali ka...

Lumba-lumba o mas kilala sa tawag na dolphin sa ingles ang aking tinutukoy. Ako'y talaga namang humahanga sa mga katangian ng nilikhang ito kaya naman isa ako sa mga sumusuporta upang sila'y mapangalagaan ng husto.

Hinding-hindi ko makalilimutan ang panahong ako'y nagkaroon ng pagkakataon upang makadaupang-palad ang mga lumba-lumba. Isang natupad na pangarap ika nga.



Wala pang Digicam nung aking kabataan.


Marami-rami na rin akong nakolekta na mga abubot na puro anyong lumba-lumba. Karamihan ay mga donasyon mula sa 'king mga mababait na kaibigan at kamag-anak. Hindi na nga sila nag-iisip kapag panahon ng bigayan ng mga regalo.



Ilan sa aking koleksyon...at ako'y tumatanggap pa ng mga donasyon.


Ako nga'y isang lumba-lumba adik na maituturing. Kaya naman nang marinig ko at mabasa ang balita tungkol kay
Ronnie Dabal, isang 35-anyos na mangingisda ng tuna (magtutuna?) sa Palawan, ay hindi ko naiwasang matuwa sa galak.

Habang nangingisda siya isang umaga noong Desyembre ng nakaraang taon, nabangga ang kanyang sinasakyang bangka at tumaob ito. Nasa malalim na parte siya ng laot noon kaya naman todo panik si kuya. Pinilit niyang languyin ang pampang ngunit masyadong malakas ang alon, at siya ay tinatangay papalayo. Inabot na siya ng dilim na palutang-lutang sa karagatan. Lubusan siyang napagod at nalupaypay dahil sa kakalangoy maghapon. Nakiepal pa ang maliliit na mga nilalang na tinatawag na "bugto", ito ay magalamay na something at kumakain ng laman ng tao. Duguan na siya kaya naman nangamba siya na baka ilang sandali lamang ay lapitan siya ng mga pating at gawing dinner ng bonggang-bonnga.

Wala na siyang nagawa kundi magdasal na lamang ng todo at magpaubaya sa mga alon.

Halos mawalan na siya ng pag-asa noon hanggang sa may napansin siyang lumalangoy-langoy papalapit sa kanya - (halos) tatlumpung lumba-lumba at dalawang balyena ang to the rescue kay kuya. Inalalayan daw siya ng dalawang balyena to the left to the left at kanan niya. Ang mga lumba-lumba naman ang siyang humihila at tumutulak sa kanya papuntang pampang. Ang iba sa mga lumba-lumba ay pumalibot sa kanya ng ilang metro na para bang mga nagbabantay at handang-handa kung may eeksenang masamang-loob.

Nawalan na siya ng malay sa portion na iyon at nagising na lamang noong nasa pampang na siya.

Huwaw. Lalo akong nainlab sa mga lumba-lumba.

Ang galing. Hindi ko maiwasang mainggit kay kuya. Sana magkaroon din ako ng pagkakataon na palibutan ng mga lumba-lumba, pero huwag na lang 'yung mga bugto - ewwness!

Mapapanuod ang istoryang ito sa Rated K,
ABS-CBN, Linggo (Marso 29, 2009).


2 komento:

  1. pareho kayo ng kaibigan kong si majo. adik sa mga dolphin. ahehe!

    they are such fascinating and loveloy creatures. napanood mo ba sa natgeo yung "in the womb: animals"..na-feature kasi mga dolphins dun. wala lang. ahehe!

    TumugonBurahin
  2. meron ka na bang dolphin made of marble? taga-romblon kasi ako eh and meron akong mabibilhan ng dolphin figurines.

    -www.iamnicely.com

    TumugonBurahin