Martes, Hunyo 24, 2008

Lablayp

Hindi ko alam kung paano simulan ang isang post.

Gusto ko sanang magsulat tungkol sa aking buhay pag-ibig ngayon. Pero ako'y lubusang nahihirapan. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo na sa wakas, pagkatapos ng napakatagal na panahon, naramdamam ko na rin ang tinatawag ng mga normal na tao na pag-ibig.

Siguro dala ng lubos na kaligayahan ko ngayon, hindi ko man lang magawang i-apdeyt ang aking blog kagaya ng dati.

Inaamin ko na noong nakaraang araw ng mga puso ay halos isumpa ko ang mga magsing-irog.

Nagkamali ako. Pwede namang magsori diba?

Nagbago na 'ko. Maniwala kayo.

Dahil ngayon, siya lang ang laman ng aking puso at isipan sa araw-araw. Lahat ng oras na kasama ko siya ay parang eksena sa romantikong pelikula. Nagiging espesyal ang lahat ng lugar na pinupuntahan namin kahit na ang MRT. Gumaganda ang paligid basta nandun siya, kahit na puro bandalismo at basura ang kanyang kinatatayuan, perpek pa rin. Ang dating nakaiinis na mabagal na trapiko ay anung bilis na ngayon basta kasama siya. Ang P300 cellphone load na dati'y inaabutan pa na expiration date ay pang isang linggo ko na lang ngayon. Kapag natatamad akong pumasok sa trabaho, iisipin ko lang na walang outgoing ang telepono sa bahay kaya't 'di ko maririnig ang magandang boses niya 'di tulad kapag nasa opisina ako.

Haaay. Nagbago na talaga ako. Marami pa sana akong sasabihin pero kailangan ko na siyang kausapin. Hindi sa hindi ko kaya na nagsusulat habang kausap ko siya, ayoko lang nang kalahati lang ang atensyong ibinibigay ko sa kanya. Korni. Hahahah. Maglalagay sana ako ng letrato namin dito pero nagbago ang isip ko. Baka may makisali pa sa eksena kapag nakita siya, seloso pa naman ako.

Opo. Umiibig at iniibig ang Lolo niyo. :-)

5 komento:

  1. mareng ghurl..(hu am i?)Hulyo 3, 2008 nang 10:26 PM

    wow naman pare.. dka man lang nagkwento sa lablayp mo nung nakaraan. siya ba yung nasa pendant mo? :D sana sinama mo siya sa binyag. well, may 1st birthday pa naman
    e.. goodluck po, and im really happy for you. hope to meet her soon. take are always, keep in touch.

    TumugonBurahin
  2. hahaha!! natuwa naman ako sa blog nato...strikingly familiar story...hays...sino ba naman ang di makakaranas ng ganito kung hindi ka inlab...everything seems "perpek" noh? hehe! i linked you up..really cool site...chow

    TumugonBurahin
  3. SHET NAMISS KO ANG BLOG MO, LOLO.

    :) Pramis. Anyway, pakilala mo samen yan! Soon-to-be-lola na mahaba ang buhok. Naks.

    O siya, tama na ang emote!

    TumugonBurahin
  4. siguro bago pa lang kau kaya ganyan pa ang pakiramdam ha ha ha joke.

    kainggit naman

    TumugonBurahin