Sabado, Agosto 2, 2008

Lolo's Payo's

Natagpuan ko ang post kong ito na mula pa sa panahong ako'y medyo nakakapag-ingles pa. Nakatutuwa lang isipin na hindi pa ako nagtuturo noong isinulat ko ito, at ngayong nagtuturo na ako, [ang gulo! hahahah] ito pa rin ang karaniwang ipinapayo ko sa aking mga estudyante. Narito at baka sakaling may matutunan kayo.


According to my dad, I started singing even before I started talking. He used to be in a band too…cool ei? He taught me some tips on how to take care and improve my voice. I’ve been researching about this these past few days and here is list of what I have found, and accept as true.


1. Maintain adequate hydration. Drinking plenty of water allows vocal cords to vibrate with less “push” from the lungs, especially when reaching high pitches. Also, well-hydrated vocal cords resist injury than dry cords. I always make it a point that I have bottled-water with me during gigs. Drinking water after two or three songs is really necessary for me.


2. Always warm-up and cool-down. Warming-up your voice is important before prolonged singing engagements. I do this by humming songs that are easy to sing (for me). This helps me to have my voice in good shape when I step on stage. It is much easier to “blow it all out” after doing this. Though it is often ignored, vocal cool-downs may also be used to prevent damage to vocal cords. Again, the simple practice of gentle and relaxed humming can serve as one excellent, easy form of cooling-down.


3. Know your range. Avoid singing pieces at the extremes of your vocal range. Or songs with high or low pitch that you can’t reach constantly. This could really damage your vocal cords. To determine your range, perform light glides or lip trills to your highest and lowest notes. Record these notes by checking them on a piano. Make sure that pieces in your repertoire fall above the lowest and below the highest extremes of your range. To view average vocal ranges for soprano, mezzo soprano, alto, tenor, baritone, and bass voices, click here.


4. Know the potential side effects of your medications. Many commonly prescribed medications can have significant effects on your voice. I’ve learned this one from experience. A certain ascorbic acid that I’ve taken not so long ago made my voice hoarse for days. Good thing my guitarist back then can sing. He sang more songs than me during those nights…haha.. For a listing of medications and potential adverse effects on your voice, click here.


5. When singing with a band, use monitors. Have some small speakers facing you on stage so you can hear yourself adequately and modify your volume accordingly. It is pretty hard to sing without these monitors, especially when performing in an open spot. If these are not really accessible for some reason, I suggest that you stay clear from the instruments – especially the drums. You can also try placing one finger in your ear but this should be done in an “artful” manner. ;P


6. Avoid vocally abusive behaviors.

- Decrease overall volume.

- No shouting/ yelling.

- Don’t whisper! It may actually make your voice worse.

- Don’t talk in the presence of a lot of background noise!

- Don’t try to talk or sing when you have a bad cold or laryngitis.


7. And lastly, Don't smoke! Don't smoke! Don't smoke! I can't say it enough.


I’ll try to look for more tips on voice improvement, and post it here. If you also have some, feel free to contact me and I’ll add it here too.

Thank you and happy singing!


Martes, Hulyo 29, 2008

At ang mga nominado...

Narito na ang aking listahan ng mga bagong blogs na aking binibisita sa tuwi-tuwina, at sa tingin ko ay may karapatang mapasama sa Top 10 Emerging Influential Blogs of 2008:



Sabado, Hulyo 26, 2008

Perya

Natatandaan ko pa kung gaano ako kasaya nang magpunta kami ng aking pamilya sa peryahan noong aking kabataan. Isang paikot-ikot na helicopter ang pumukaw sa paningin namin ng aking nakababatang kapatid.

Isang mama ang umalalay sa amin sa pagsakay. Pagsara ng bakal na pintuan, makikita talaga sa pagmumukha naming magkapatid ang lubos na kasiyahan - hanggang bagang ba naman ang laki ng aming mga ngiti.

Habang unti-unti na kaming umaandar papataas, parang nag-iba ang aking pakiramdam. Nabalutan ng kaba at takot ang aking kasiyahan habang nakikita ko na lumiliit na paunti-unti ang aking mga magulang. Tumingin ako sa aking kapatid at ganoon din ang kanyang hitsura - mukhang constipated.

Ilang sandali lamang bumilis nang bumibilis ang pagtaas-baba ng helicopter na iyon. At nagsimula na nga kaming ngumawa. Sumigaw ng "Mami! Dadi!" na sinundan ng malakas na "Waaaaahh!".

Anong ginhawa ng aming pakiramdam pagtungtong namin sa lupa.

Haaaay... hindi ko talaga ito makalimutan. Paano ba naman, todo kuha pala ng letrato ang nanay ko, kasama tuloy ito sa aming photo album.

Kagabi, nagpunta ako sa isang sikat na perya sa Maynila. Doon, nakakita ako ng kasing-halintulad na ride sa aking kwento. Bigla tuloy bumalik ang mga ala-ala at napakanta ako ng "It's All Comin' Back to Me Now".

Nakahihiya man aminin, pero hanggang ngayon, takot pa rin ako sumakay sa mga nakababaliw na rides. Ako palagi ang taga-bitbit ng bags at gamit ng barkada kapag sasakay sila. Biruin mo, hindi pa ako nakasasakay doon sa sikat na ride sa Laguna. Hanggang bump cars at boat lang ako. Palakad-lakad sa snow, patakbo-takbo sa mga horror houses, naglilibang sa shooting games, pahagis-hagis ng barya at bola, at papindot-pindot sa arcade.

Ako na siguro ang pinaka-KJ mong makakasama kung aayain mo ako sa mga ganitong lugar.

Wala pang nakapipilit sa aking sumakay sa mga pamatay na rides. Kung tama ang presyo baka pag-isipan ko pa. Heheheh. Pero sa ngayon, pass muna ako sa paikot-ikot, pahagis-hagis, at patumbling-tumbling. Uupo na lang ako sa isang tabi habang kumakain ng hotdog.

Martes, Hunyo 24, 2008

Lablayp

Hindi ko alam kung paano simulan ang isang post.

Gusto ko sanang magsulat tungkol sa aking buhay pag-ibig ngayon. Pero ako'y lubusang nahihirapan. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo na sa wakas, pagkatapos ng napakatagal na panahon, naramdamam ko na rin ang tinatawag ng mga normal na tao na pag-ibig.

Siguro dala ng lubos na kaligayahan ko ngayon, hindi ko man lang magawang i-apdeyt ang aking blog kagaya ng dati.

Inaamin ko na noong nakaraang araw ng mga puso ay halos isumpa ko ang mga magsing-irog.

Nagkamali ako. Pwede namang magsori diba?

Nagbago na 'ko. Maniwala kayo.

Dahil ngayon, siya lang ang laman ng aking puso at isipan sa araw-araw. Lahat ng oras na kasama ko siya ay parang eksena sa romantikong pelikula. Nagiging espesyal ang lahat ng lugar na pinupuntahan namin kahit na ang MRT. Gumaganda ang paligid basta nandun siya, kahit na puro bandalismo at basura ang kanyang kinatatayuan, perpek pa rin. Ang dating nakaiinis na mabagal na trapiko ay anung bilis na ngayon basta kasama siya. Ang P300 cellphone load na dati'y inaabutan pa na expiration date ay pang isang linggo ko na lang ngayon. Kapag natatamad akong pumasok sa trabaho, iisipin ko lang na walang outgoing ang telepono sa bahay kaya't 'di ko maririnig ang magandang boses niya 'di tulad kapag nasa opisina ako.

Haaay. Nagbago na talaga ako. Marami pa sana akong sasabihin pero kailangan ko na siyang kausapin. Hindi sa hindi ko kaya na nagsusulat habang kausap ko siya, ayoko lang nang kalahati lang ang atensyong ibinibigay ko sa kanya. Korni. Hahahah. Maglalagay sana ako ng letrato namin dito pero nagbago ang isip ko. Baka may makisali pa sa eksena kapag nakita siya, seloso pa naman ako.

Opo. Umiibig at iniibig ang Lolo niyo. :-)

Biyernes, Mayo 9, 2008

Ba-bay

Waaaaah... bakit kailangang magpakasal ni Mariah Carey????!! Huhuhuhu...




Huwebes, Abril 3, 2008

Tantararantanjantanjan...

Di ko maiwasang matawa sa aking sarili habang binabasa ko ang nakaraan kong post. Gustuhin ko mang burahin ito upang makaiwas sa lubos na kahihiyan ngunit 'di na siguro maaari sapagkat nariyan na 'yan at nakatulong naman talaga ang pagsusulat kong iyon nang husto upang mailabas ko ang aking dinaramdam.
Maraming salamat sa mga nakisimpatiya. :)
Bukod sa pagsusulat ng kung anu-ano, isa pang bagay na aking ginagawa kapag gumugulo ang aking mundo ay ang pagkanta sa KTV. Hehe.
Aminin na natin na nakaaalis naman talaga ng kalungkutan ang mga videoke, kaya nga bawat kanto yata ay may makikita kang mga ganito - na isang patunay na maraming problemado sa mundong ito.
Nakaaaliw naman talaga lalo na kung kasama mo ang buong tropa at nag-aagawan kayo sa mga kanta.
Hmmm...naisip ko tuloy...anu-ano ba ang mga kantang imposibleng hindi mo maririnig kapag nasa KTV ka? Mga awiting kadalasang inaawit o ikaw mismo ang walang kasawa-sawang kumakanta nito...maging bago o luma man .
Ayon sa aking pagtatanung-tanong: (Hindi ko na ilalagay kung sino ang kumanta, nakatatamad eh.hehe.)
1.) Just Once
2.) How Did You Know
3.) Skyline Pigeon
4.) To Love You More
5.) Be My Lady
6.) Total Eclipse of The Heart
7.) Irreplaceable
8.) Till My Heartaches End
9.) Somewhere Down the Road
10.) If I Ain't Got You
11.) Umbrella
12.) Kahit Isang Saglit
13.) Buttercup
14.) Love Moves in Mysterious Ways
15.) Dadalhin
16.) Halik
17.) Listen
18.) Wherever You Will Go
19.) Unwell
20.) Tell Me Where It Hurts
21.) Paalam Na
22.) Sway
23.) Closer You and I
24.) Crazy For You
25.) Kahit Kailan
26.) With A Smile
27.) Hallelujah
28.) Cry
29.) All This Time
30.) Hero
31.) Truly, Madly, Deeply
32.) Breathless
33.) Because of You
34.) I'll Be
35.) Bakit Ngayon Ka Lang
36.) Zombie
37.) Iris
38.) Bring Me To Life
39.) Alone
40.) My Immortal
...at siyempre ang walang kamatayan at madalas ikasawi ng mga kumakanta nito...MY WAY.
Kayo? Ano ang mga kinakanta niyo sa KTV?

Sabado, Marso 1, 2008

Hindi Lahat ng Post ay Nakakatawa

Lumapit ka sa akin. Nakita mo siguro na kailangan ko nang makakausap noong mga oras na 'yon. Doon na nagsimula. Masaya ang bawat minuto na kasama ka. Mga asaran, kulitan, kantyawan, ang malakas mong tawa na magpasa-hanggang ngayon ay nginingitian ko pa rin sa tuwing maaalala ko. Sana alam mo kung gaano ako kasabik sa tuwing magkakasama tayo.

Hindi ko akalain na ikaw na pala ang taong makapagpapabago sa takbo ng buhay ko.

Biglaan ang mga pangyayari. Wala akong balak at hindi ko pinlano - dahil alam kong mali. Alam kong bawal. Ngunit totoo pala na hindi mo na susundin kung ano ang tama kapag nagmamahal ka na.

Mula noon, wala na akong ibang inisip kundi ikaw lang, at kung paano kita mapapasaya.

Nakaka-adik ka.

Hindi ko na kayang isipin kung paano na ako 'pag nawala ka. Nakalimutan ko na ang lahat ng tao sa paligid ko. Ikaw na lang lagi ang laman ng isip at puso ko. Kumpleto na basta nandyan ka. Pero sa kabila ng lahat, alam ko na ang lahat ay pansamantala lamang. Alam kong hindi habambuhay ay mahahawakan ko ang iyong mga kamay. Batid ko na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandito ka sa tabi ko. Hindi lahat ng ngiti mo ay dahil at para sa akin. Ang sakit aminin. Sobra. Sobrang sakit na kailangan ko pang saktan ang aking sarili upang matabunan ang aking dinaramdam.

Dahil nariyan siya.

Ang taong nagmamahal sa'yo. Ang taong kasama mo na simula pa noong binubuo mo pa lamang ang mga pangarap mo.
Ang taong nagbibigay sa'yo ng lubos na kaligayahan - kaligayahang kailanman ay hindi ko kayang tumbasan.

Siya.

Ang taong kahati ko sa'yo.

Nai-inggit ako sa kanya.

Gusto ko ring malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa'yo. Mga simpleng bagay na marahil ay hindi na nabibigyan ng halaga. Kailan ka huling lumuha dahil sa isang pelikula? Ano ang paborito mong kanta? Ang iyong hitsura pagkagising mo sa umaga? Mga bagay na sa tingin ng iba ay nakakatawa at walang kwenta.

Nais kong malaman.

Gusto ko ring maging parte ng buhay mo, gaya niya.

Pero bakit ganoon? Hindi talaga natin kayang ipilit ang hindi pwede. Ang hindi dapat. Diyos na mismo ang gumawa ng paraan upang matigil na ang ilusyon ko. Ang kalokohan ko. Ang pangarap ko.

Hindi ko tuloy maiwasang magtanong - bakit pa Niya ipinaranas sa akin kung paano maging masaya kung darating din pala ang pagkakataong luluha ako? Bakit ka pa Niya ipinakilala sa akin kung darating din pala ang panahon na kailangan kitang kalimutan?

Sana hindi mo na lang ako nilapitan. Sana hindi na lang pala kita kinausap. Sana hindi na lang tayo nagkatagpo at nagkakilala.

Lagi na lang ganito. Lagi na lang inilalayo sa akin ang mga taong minamahal ko.

Akala ko pagkakataon ko na. Akala ko ako naman ngayon. Akala ko ibabalato ka na Niya sa akin. Nagkamali ako. Na naman.

Nasaktan na naman ako.

Una pa lang, alam ko nang may nagmamay-ari na sa'yo, pero bakit ngayon, parang hindi ko matanggap? Paano ko makalilimutan ang taong nagpa-alala sa akin kung paano magmahal? Ang taong naging dahilan kung bakit maliwanag ang bawat umaga?

Ang taong nagpa-korni sa akin?

Pero oo na.

Ibabalik na kita sa kanya. Sa piling niya. Hindi na 'ko lalaban. Hindi na 'ko papalag. Naki-extra lang naman ako, siya talaga ang bida. Kayo.

Ikaw, siya, at ang magiging anak niyo - ang inaanak ko.

Kung tutuparin mo ang 'yong alok, sige, tatanggapin ko kahit masakit. Malaki ang kaibahan ng "anak" sa inaanak" pero kung iyon lang ang tanging paraan upang matupad ang pangarap ko na maging parte ng buhay mo, gagawin ko at ipagpapasalamat ko iyon.

Mahal pa rin kita. Pati ang lahat ng ginawa, ginagawa, at gagawin mo. Mananatili kang inspirasyon ko habambuhay. Importanteng malaman mo ang mga ito.

Patawarin mo 'ko, hindi ko sinasadyang mahalin ka.

Lunes, Pebrero 4, 2008

Pait

Sampung araw mula ngayon, sasapit na naman ang isa sa pinaka-korning araw ng taon. Ang araw na ipinagdiriwang ng dalawang taong walang ibang magawa kundi ang makipaglokohan sa isa't-isa. Hmmmm...talaga namang isang bugtong para sa aking isipan kung paanong nakatitiis sila sa kanilang kaawa-awang sitwasyon.

Talaga palang napakaswerte ko at ako'y isang malayang nilalang. Hindi ko na kailangan pang paghandaan ang nakadidiring araw na iyon. Iwas ako sa mga gastusan kagaya ng pag-kain sa labas, panunuod ng pelikula, at pagbili ng mga regalo. Maiiwas ko rin ang aking sarili mula sa isang napaka-jologs na pangyayari na kung saan pinagtitinginan ka ng mga tao sapagkat may dala-dala kang sangdamakmak na bulaklak.

Kung ikaw na nagbabasa nito ay makararanas ng aking mga nasambit, ikinalulungkot kong sabihin sa'yo kaibigan na nasa madilim na yugto ka ng iyong buhay.

Hayaan mo at isasama ko sa aking mga panalangin na sana ay matapos na ang iyong paghihirap, upang maranasan mo na rin sa wakas ang kaginhawaan ng loob na tinatamasa ko ngayon.

Naway magkahiwalay na rin kayo sa lalong madaling panahon!