Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Drama ni Lolo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Drama ni Lolo. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Marso 1, 2008

Hindi Lahat ng Post ay Nakakatawa

Lumapit ka sa akin. Nakita mo siguro na kailangan ko nang makakausap noong mga oras na 'yon. Doon na nagsimula. Masaya ang bawat minuto na kasama ka. Mga asaran, kulitan, kantyawan, ang malakas mong tawa na magpasa-hanggang ngayon ay nginingitian ko pa rin sa tuwing maaalala ko. Sana alam mo kung gaano ako kasabik sa tuwing magkakasama tayo.

Hindi ko akalain na ikaw na pala ang taong makapagpapabago sa takbo ng buhay ko.

Biglaan ang mga pangyayari. Wala akong balak at hindi ko pinlano - dahil alam kong mali. Alam kong bawal. Ngunit totoo pala na hindi mo na susundin kung ano ang tama kapag nagmamahal ka na.

Mula noon, wala na akong ibang inisip kundi ikaw lang, at kung paano kita mapapasaya.

Nakaka-adik ka.

Hindi ko na kayang isipin kung paano na ako 'pag nawala ka. Nakalimutan ko na ang lahat ng tao sa paligid ko. Ikaw na lang lagi ang laman ng isip at puso ko. Kumpleto na basta nandyan ka. Pero sa kabila ng lahat, alam ko na ang lahat ay pansamantala lamang. Alam kong hindi habambuhay ay mahahawakan ko ang iyong mga kamay. Batid ko na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandito ka sa tabi ko. Hindi lahat ng ngiti mo ay dahil at para sa akin. Ang sakit aminin. Sobra. Sobrang sakit na kailangan ko pang saktan ang aking sarili upang matabunan ang aking dinaramdam.

Dahil nariyan siya.

Ang taong nagmamahal sa'yo. Ang taong kasama mo na simula pa noong binubuo mo pa lamang ang mga pangarap mo.
Ang taong nagbibigay sa'yo ng lubos na kaligayahan - kaligayahang kailanman ay hindi ko kayang tumbasan.

Siya.

Ang taong kahati ko sa'yo.

Nai-inggit ako sa kanya.

Gusto ko ring malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa'yo. Mga simpleng bagay na marahil ay hindi na nabibigyan ng halaga. Kailan ka huling lumuha dahil sa isang pelikula? Ano ang paborito mong kanta? Ang iyong hitsura pagkagising mo sa umaga? Mga bagay na sa tingin ng iba ay nakakatawa at walang kwenta.

Nais kong malaman.

Gusto ko ring maging parte ng buhay mo, gaya niya.

Pero bakit ganoon? Hindi talaga natin kayang ipilit ang hindi pwede. Ang hindi dapat. Diyos na mismo ang gumawa ng paraan upang matigil na ang ilusyon ko. Ang kalokohan ko. Ang pangarap ko.

Hindi ko tuloy maiwasang magtanong - bakit pa Niya ipinaranas sa akin kung paano maging masaya kung darating din pala ang pagkakataong luluha ako? Bakit ka pa Niya ipinakilala sa akin kung darating din pala ang panahon na kailangan kitang kalimutan?

Sana hindi mo na lang ako nilapitan. Sana hindi na lang pala kita kinausap. Sana hindi na lang tayo nagkatagpo at nagkakilala.

Lagi na lang ganito. Lagi na lang inilalayo sa akin ang mga taong minamahal ko.

Akala ko pagkakataon ko na. Akala ko ako naman ngayon. Akala ko ibabalato ka na Niya sa akin. Nagkamali ako. Na naman.

Nasaktan na naman ako.

Una pa lang, alam ko nang may nagmamay-ari na sa'yo, pero bakit ngayon, parang hindi ko matanggap? Paano ko makalilimutan ang taong nagpa-alala sa akin kung paano magmahal? Ang taong naging dahilan kung bakit maliwanag ang bawat umaga?

Ang taong nagpa-korni sa akin?

Pero oo na.

Ibabalik na kita sa kanya. Sa piling niya. Hindi na 'ko lalaban. Hindi na 'ko papalag. Naki-extra lang naman ako, siya talaga ang bida. Kayo.

Ikaw, siya, at ang magiging anak niyo - ang inaanak ko.

Kung tutuparin mo ang 'yong alok, sige, tatanggapin ko kahit masakit. Malaki ang kaibahan ng "anak" sa inaanak" pero kung iyon lang ang tanging paraan upang matupad ang pangarap ko na maging parte ng buhay mo, gagawin ko at ipagpapasalamat ko iyon.

Mahal pa rin kita. Pati ang lahat ng ginawa, ginagawa, at gagawin mo. Mananatili kang inspirasyon ko habambuhay. Importanteng malaman mo ang mga ito.

Patawarin mo 'ko, hindi ko sinasadyang mahalin ka.

Linggo, Setyembre 2, 2007

Buhay Empleyado: Kaya Mo Pa Ba? Ha?

Isinulat ko ang sumusunod na kwento noong ika-17 ng Hunyo, taong kasalakuyan. Nakamamangha na habang binabasa ko ito ngayon matapos ang dalawang buwan at labing-anim na araw, may ilan sa aking mga katanungan noon ay nasasagot ko na ngayon. Ang ibang kasagutan ko naman noon ay iba na sa mga kasagutan ko ngayon.

"Sa wakas! Tapos na naman ang isang linggo ng pagpapanggap bilang isang aliping-sagigilid sa opisina. Yep, ganito pa rin naman ang eksena hanggang ngayon. Nakapapagod man ang mga nagdaang araw, mas mabuti na iyon kaysa tumambay sa kanto at magpaka-busy sa pagbibilang ng mga kawad ng kuryente ng Meralco. Apir tayo d'yan!

Maraming beses ko na rin naisipan na umalis sa aking kasalukuyang trabaho. Uhuh. Ano nga ba ang mga bagay-bagay na dapat timbangin upang malaman mo na talagang kailangan mo nang lisanin ang iyong pinapasukan? Ang mga sumusunod ay ang mga itinatanong ko sa aking sarili kapag ako ay naaaning-aning tungkol sa trabaho:

1.) Masaya ka pa ba? Hmmm. Para sa akin, napakahalaga na nag-eenjoy ka sa iyong ginagawa, at siyempre, sa iyong mga kasama. Tama, tama. Napakahirap manatili sa isang lugar kung saan hindi ka na tumatawa, hindi ka na ngumingiti, at hindi mo na kasundo ang iyong mga katrabaho. Korekek. Malalaman mo na hindi ka na masaya kung sa bawat araw na papasok ka ay hindi ka na excited, Excited pa rin naman. tinatamad ka nang bumangon sa iyong pagkakahiga, Medyo. at mukha ka ng eighty-two. Mali ka dito, eighty-one lang. Kung ang oras sa opisina ay sadyang napakabagal na para sa iyo, at hindi mo na mahintay ang lunchbreak, miryenda at uwian. Tama, tama ka ulit. Bakit mo pa ipagpapatuloy gawin ang isang bagay kung hindi ka na masaya rito? Adik ka ba? Oo. Masaya pa rin naman ako - sa mga katrabaho, lalo na sa aking mga kagrupo. Sila na lamang ang dahilan kung bakit nagpapatuloy pa ako gayung kung ibabase ang kasiyahan sa ginagawa kong trabaho, marahil ay "Hindi na." ang aking maisasagot. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila sa pagtanggap, at patuloy na pag-unawa nila sa akin. Tissue! Tissue!

2.) Anu-ano nga ba ang mga dahilan kung bakit gusto mong umalis? Naliliitan ka ba sa iyong kinikita? Hindi naman. Sa tingin mo ba ay dapat mas mataas ang iyong sweldo dahil mahirap ang iyong trabaho? Hindi naman rin. Ang mga benepisyo ba ng iyong opisina ay sadyang hindi mo nararamdaman? Medyo? Malayo ba ang iyong opisina at nahihirapan ka nang makipagsipaan sa mga pasahero sa MRT at LRT? Hindi rin. O baka naman mahirap ang schedule mo? Nahuli mo parekoy! Madumi ba ang inyong pantry? Bwahaha. Pasaway ba ang mga utility at hindi nila nililinis ang pwesto mo? Eksakto! May mga ka-opisina ka ba na walang ibang ginawa kundi siraan ka at sabihin sa iyong boss na hindi ka naliligo? Ah, 'yan ang wala. Sa laki kong 'to? Takot lang nila.

Kung tumango ka sa lahat ng ito ay dapat ka na ngang umalis diyan kung...Ayun na nga...

3.) May lilipatan ka na ba? Oo. Napaka-hirap umalis sa isang trabaho kung wala ka pa namang lilipatan, maliban na lang kung trip mong maging isang ganap na mangga at magpapakaburo ka sa inyong bahay. Meron na nga. Maaari kang magbakasyon sandali upang makapag-relax ngunit kahit ito ay nakaka-inip rin, lalo na kung nasanay ka na maraming ginagawa palagi. Korekted bay. Tandaan mo na walang opisinang perpekto. Okay. Sa umpisa lang. Kokey. Makikita mo rin ang mga pagkukulang nito pagtagal-tagal. Ganun? Nasa sa iyo ang paraan upang maging perpekto ang iyong trabaho sa paningin mo. Paano? Banggitin ang "Ang ganda-ganda ng trabaho ko!" ng isang daang beses araw-araw, ngunit hindi rin ito makakatulong. Korni. Mayroon nang (ata) naghihintay sa akin. Napakalaki ng porsyento na ako ay magsisimula na sa aking bagong papasukan anumang araw ngayong buwan na ito. Ngunit gagampanan ko pa rin ang aking mga tungkulin, hanggang sa maipasa ko na lahat ito sa aking mga maiiwanan, o mauulila? Huwag po! Huwag po!

'Yan ang mga importanteng katanungan (sa aking palagay) na dapat mong isipin bago ka magdesisyon na umalis sa iyong trabaho. Salamat, salamat. Sinagot ko ang lahat ng iyan at pagkatapos, tinimbang ang mga bagay-bagay. Ako ay nagdesisyon na manatili MUNA sa aking trabaho. Hanggang matapos ang buwang ito. Bakit? Buburahin ko pa lahat ng mga nilagay ko sa PC. Bukod sa mag-iisang taon na ako dito (Batiin niyo ko, dali!), at madali lang ang byahe ko papunta sa opisina, ay masaya pa rin ako sa aking trabaho, Hindi na ata. at mga katrabaho Eto pwede pa. Mahalaga iyon' para sa akin. Sa akin rin, 'kala mo sa'yo lang? Kahit na laging sira ang elevator, at muntik na akong pumanaw kanina lamang dahil biglang bumagsak ang wallfan sa aking ulunan, nag-eenjoy pa rin ang lolo niyo...ngunit kailangan nating maging bukas sa mga oportunidad na dumarating sa ating buhay. Ayon nga kay pareng Lex Luthor - "There is nothing worse than a missed opportunity.".

Itutuloy...


Huwebes, Hulyo 12, 2007

Ang Eks-Gitarista

Seeing your former guitarist is a lot like seeing your former girlfriend. Why?

Because you often see him when you are not prepared. When you are looking like trash and had no sleep at all.

You see him in the strangest places.
In the most awkward moments. Like in a mall's comfort room.

In a public vehicle wherein the only unoccupied sit is the one next to him. Coincidentally, all the songs that the DJ is playing are the songs that you used to play together. Yeah, and so that blows up the sadness inside your heart and reminds you of the good 'ol times.

He passed by your gig venue and he heard you sing when you are hoarse .

When you find it hard to have gigs at all and there he is with his new vocalist, having a hard time getting sleep at all because of every night performances.


And yes, seeing him with his new vocalist makes you feel a little drop of jealousy.

You see him when everything is cloudy with your current guitarist.

You see him when you feel like a waste of oxygen in this world.

But then again you know you have to move on. It is hard, but what makes it harder is the fact that there's this permanent connection between the both you - you are his son's godfather and that makes him your
kumpare. Oh, if only you could tell your godson why you didn't make it to his first birthday party.

There is a reason why your former band broke-up. Whatever it is, you will find it somewhere along your journey. But for now, you have to let go and move on.


Subscribe in a reader