Biyernes, Hunyo 12, 2009

Ang Mga Nominado



Nakatutuwang malaman na mayroon ulit Top 10 Emerging Influential Blogs ngayong taong ito. Simula noong 2007, ako ay buong pusong sumusuporta sa proyektong ito ni Bb. Janet Toral. Naniniwala kasi ako na malaking bagay ang naitutulong nito upang kundi man maipakilala, ay maimpluwensiyahan ang mga baguhang blagero.

Narito ang unang bahagi ng aking mga nominado para sa taong ito:

1.) Patay Gutom - mahilig sa kainan ang Lolo niyo. Kaya naman nakatutuwang malaman na mayroong isang grupo ng mga Patay Gutom na nagbuo ng isang blog para sa mga pagkain. Talagang matatakam ka at nanaisin mong kumain ng kung ano mang ikinukuwento nila, at sa mga letrato pa lamang, magugutom ka na!

2.) Kelvinonian Ideas - potograpiya, teknolohiya, hanggang sa mga PSP wallpapers...naaaliw ako sa blog na ito at sa gawi ng pagsusulat ng may-akda - at siya ay 17 taong gulang pa lamang!

3.) Father Blogger Dot Com - may sense ang mga nakasulat sa blog na ito. Mga paksang pangkarinawan na nating naririnig, ngunit naisulat sa kakaibang angulo at pang-unawa. Ito ay isa sa mga blogs ngayon na maituturing kong may puso. (Kala mo saging lang ha?)

4.) Batang Lakwatsero - dahil sa rayuma ay hindi pala-alis ang Lolo niyo. Kaya naman sa mga travel blogs na gaya nito na lamang ako nakapapasyal. Lay-out, paraan ng pagsusulat, at pagkuha ng letrato ang nagustuhan ko sa lakwatserong ito.

5.) Tunay na Lalake - aliw na aliw ako sa mga nakasulat rito. May sense of humor. Mga importanteng katangian daw ng isang tunay na lalake.
UPDATE:

6.) WritingToExhale - malikhaing pagsusulat at wastong pagtalakay sa paksa ang naging basehan ko upang isama ang blog na ito sa aking listahan. Dalawang posts pa lamang ang aking nababasa sa blog na ito ay napa-oo na ako.
7.) VideoChops - bibihira na ang mga video blogs kaya naman hanga ako sa makulay na blog na ito. Naniniwala rin ako sa kakayahan at talento ng may-akda pero hindi pa niya ako sinuhulan para mapasama siya rito.
UPDATE:
8.) Zorlone - Hindi madaling sumulat ng isang post, at lalong hindi madaling lumikha ng isang magandang tula. Kaya naman matapos kong mabasa ang ilan sa mga tula sa blog na ito, ako ay humanga at 'di na nagdalawang-isip pa na isama ito sa aking mga nominado.
9.) Through the Focal Glass - Gusto ko ang layout, and titulo ng blog, at ang gawi ng pagtalakay sa iba't-ibang paksa. Gusto ko rin pumwesto sa kaliwang bahagi ng header nito.
10.) I Love/Hate America - kakaibang paksa ang tinatalakay sa blog na ito. Kakaibang paksa sa blogging world, ngunit maituturing nating pangkaraniwan para sa ating mga Filipino. Anu nga ba ang mga bagay-bagay na gusto at ayaw natin sa bansang itinuturing ng marami na ating kakampi? Maipagmumuni-muni mo ang lahat ng 'yan sa pamamagitan ng blog na ito.

Sa wakas ay natapos ko rin ang aking listahan. Masasabi kong mas nabigyan ko ng panahon ang aking pagdedesisyon ngayong taon na ito, kumpara sa mga nakaraang taon. Naway walang sumama ang loob, sapagkat kung ako lang ang masusunod ay lampas ng sampu ang aking isasama.


Ang mga magwawagi ay ipagsisigawan sa taumbayan sa ika-8 ng Agosto, alas-sais hanggang alas-onse ng gabi sa Forum Hall, Casino Filipino, PIRC Bldg. Ninoy Aquino Avenue, ParaƱaque City.


Pindot lang dito para sa mga karagdagang detalye.



Ang proyektong ito ay inihahatid sa atin ng mga bonggang-bonggang isponsors:





Binabati ko na ngayon pa lamang ang lahat ng mga nominado, at ang mga bumubuo sa kaganapang ito!