Mula sa panahon ng aking kabataan, isa na 'ko sa pinakapayatot sa pamilya. HIndi man lamang ako tumaba kahit kaunti, kahit malakas naman akong kumain.
Hanggang ngayon, pangarap ko pa rin na madagdagan ang aking timbang para hindi ako tinutuksong "payatot" ng mga tao. Noong isang linggo nga lang, habang nakapila ako sa FX pauwi. Lumapit sa akin ang starter [kahit na pangalawa ako sa pila] at nagsabing "Isa na lang ang kulang, sa gitna. Dahil slim ka, ikaw na lang ang mauna." Nakangiti pa siya noon ha?! Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil mauunahan ko ang ale na nasa harapan ko at makauuwi ako agad, o maiinis dahil ako ang payat doon sa pila kaya gagawin na lamang akong paningit.
Malakas naman talaga ako kumain, pero hindi masyado madalas katulad ng iba. Medyo mapili rin ako. May kabagalan rin ako kapag kumakain. May moments na tutulala muna ako na parang eksena sa music video o makikipagtitigan sa mga pinggan bago ituloy ang pagkain. Ito kaya ang mga dahilan? O sadyang isa lang ako sa mga napiling mamuhay na payat sa mundong ito?
Maituturing sigurong pambihira ang problema ko sapagkat mas marami ang nagnanais magbawas ng timbang. Kabi-kabila ang mga pampapayat na produkto ngayon 'di ba?
Anyhoo, may maipapayo ba kayo sa isang totayap na tulad ko? Nagsimula na rin akong magbuhat noong Nobyembre, pero mas magiging epektibo siguro kung may iba pa kayong suhestyon na makakatulong sa aking plano.
Kailangan, tumaba ako sa taong 2008.
Kaya kakain na ako ng mas marami. At sisimulan ko 'yan mamayang gabi sa media noche, na magpapatuloy sa Bloggers' Food Tour sa TriNoMa sa ika-9 ng Enero. Kita-kits!
Isang masaganang bagong taon sa lahat!
Pataba tayo!!!
yehey! madami tayong magpapataba sa 2008! Happy New Year!!!
TumugonBurahinEly, apir! Hehe. Wapi Nu Yir!
TumugonBurahinIvan, Nais kung pumayat. Happy New Year sayo. =)
TumugonBurahinDhon, gudlak satin! heheh. Wapi Nu Yir din!
TumugonBurahinLo, hindi ko na kelangang magpataba! Dahil mataba na ko..hahaha!!!
TumugonBurahinKita-kits sa Food Tour! :)
saamin ka tumira lolo, tataba ka!
TumugonBurahinOi! Ako super payat ako noon at tingnan mo naman, I am at my fattest now! Hahay!!! Waaaah! Kaya huwag mag-alala... natural occurrence yan, paglampas mo ng edad na 25 tataba ka na =)
TumugonBurahinanung team ka sa TFT? Blue team ako! I used to be slim din dati, pero ayun nadala sa pagkain... Tumaba ng sobra, saka nag gym. Take supplement pre, I bought one sa gym, Choco flavor...
TumugonBurahinbleue
http://bleue.i.ph
Sayanag Reyn di ako nakapunta eh, nakita ko sana kung mataba ka nga talaga...heheh.
TumugonBurahinMarc! Game! Anung address mo? :-P
Ganun po ba yun Mamai? Hmmmm.. Kaunting panahon na lang po pala... :-P
Bleu, hindi ako nakapunta eh :-(
Effective ba talaga yun? May nagaalok kasi sakin isnab ko lang. Wehehe.
sige pataba tayo!!
TumugonBurahinteka, nandon ka ba noong blogger tour?
kingdaddyrich, wala ako dun sa event eh, inatake kasi ako ng rayuma. :-D
TumugonBurahinButi pa kayo magpapataba, kami hirap magpapayat. Hanep ka na magtagalog.
TumugonBurahintry mo lang ito: inom ka ng one glass ng fresh milk sa morning and before matulog. lagi ka sa malamig na lugar. wag kang magpapapawis.. then kumain ka ng kumain, sabayan mo ang chocolates ng soda. solved! within two months my laman ka na.. hehehe..
TumugonBurahinsame problem tayo before. pero ngaun my excess fats na ko.. waaaa..