Martes, Oktubre 30, 2007

Ang Pagbabalik.

Huwaw. Ako ay lubusang natutuwa sa mga mensaheng tumambad sa aking paningin nang muli kong buksan ang blog na ito, matapos ang isang buwan. Talaga namang nakatataba ng pusow. Maraming salamat. At nakatutuwa ang mga pagbabago sa PinoyBlogosphere ah. Pati ang Twitter ay nag-iba na rin pala ng porma. Ang galeng!

Anu-ano ba ang mga pinagkaabalahan ko ngayong buwan ng Oktubre? Hmmm...

Nakapagpahinga naman ako ng kaunti, at sa tingin ko ay sapat na 'yun. Nagsimula na rin ako sa aking pagtuturo at nakamamanghang malaman na kung dati-rati ay madali akong mairita at mainis kapag may mga makukulit na bata sa aking paligid, ngayon ay medyo nasasanay na akong habaan pa ang aking pasensya at pigilan ang aking sarili 'pag kasama ko sila.

Sa mga nagtatanong, hindi po ako guro sa elementarya, o sa hayskul, o sa kolehiyo. Ako po ay nagtuturo ng (ehem) pag-awit sa isang training school na ang pangalan ay matatagpuan ninyo dito sa aking blog kung kakalkalin niyo lang ang paligid nito.

Masaya na nakapapagod. Iba ang pakiramdam kapag nakaririnig ka ng magagandang komento mula sa mga estudyante at mga magulang nila. Para kang lumulutang at high sa efficacent oil dahil tuwa. Ikukuwento ko pa ang tungkol dito sa mga susunod na araw.

Ngayong buwan, ipinagdiwang ko rin ang pagsulpot ko sa mundong ito. Maraming salamat sa mga bumati, at dun sa mga hindi bumati - may balik rin 'yan sa inyo balang araw. :-P

Siyempre pa, gaya ng isang tradisyon, nagkaroon rin ako ng kakaibang sakit ngayong buwan. Kung noong Setyembre ay na-stroke ang aking kanang kamay, nagkaroon naman ako ng rashes sa buong katawan ngayong buwan na ito. Naging kamukha ko si "The Thing" ng Fantastic4 nang halos tatlong linggo. Hindi maaaring lumiban sa klase kaya ako ay todo longsleeve-turtle-neck with glasses ng mga araw na iyon. Talaga naman. Hindi na tuloy ako flawless at hindi ko na rin alam if Belo would still touch my skin. Nakikiusap ako sa kung sino man ang may kinalaman sa kababalaghang iyon na huwag mo na sanang maisipang muling balutin sa bread crumbs ang isang manika na may kaunting hibla ng aking buhok...please?

Ito lang naman ang mga highlights ng aking Oktubre at siyempre, ang mapanuod ng live ang isa sa aking mga idolo na si Erik Santos Babyface.

Ikaw? Anu-ano ang mga pangyayari sa iyong Oktubre na hinding-hindi mo malilimutan? Ha?

7 komento:

  1. Huwaw. Bumalik na si Lolo! Hehe.

    Walang exciting ngayong Oktubre para sa akin. Hay.

    TumugonBurahin
  2. Lol, maligayang pagbabalik!
    (belated) Happry Birthday!

    TumugonBurahin
  3. Lolooooooo!!!!!

    Welkam bak sayo!!!

    Maligayang bati na rin!!!

    Lolo, magaling ka na ba ha?

    TumugonBurahin
  4. Kay Bryant: Hayaan mo, baka ngayong Nobyembre mayroon na. :)

    Kay DhonJason at Ely: Sa wakas! Hehe...Salamats.

    Kay Reyn: Tenks! Magaling na, inaalis ko na lang ang mga bakas ng kahapon. Haaay...

    TumugonBurahin
  5. Welcome back! ^_^
    Musta ang pahinga?
    Hehehe

    Hope to read more of ur blogs =0)

    TumugonBurahin
  6. Kay asher: Medyo bitin pa nga eh! Hehe. Salamats! ;-P

    TumugonBurahin