Linggo, Setyembre 2, 2007

Buhay Empleyado: Kaya Mo Pa Ba? Ha?

Isinulat ko ang sumusunod na kwento noong ika-17 ng Hunyo, taong kasalakuyan. Nakamamangha na habang binabasa ko ito ngayon matapos ang dalawang buwan at labing-anim na araw, may ilan sa aking mga katanungan noon ay nasasagot ko na ngayon. Ang ibang kasagutan ko naman noon ay iba na sa mga kasagutan ko ngayon.

"Sa wakas! Tapos na naman ang isang linggo ng pagpapanggap bilang isang aliping-sagigilid sa opisina. Yep, ganito pa rin naman ang eksena hanggang ngayon. Nakapapagod man ang mga nagdaang araw, mas mabuti na iyon kaysa tumambay sa kanto at magpaka-busy sa pagbibilang ng mga kawad ng kuryente ng Meralco. Apir tayo d'yan!

Maraming beses ko na rin naisipan na umalis sa aking kasalukuyang trabaho. Uhuh. Ano nga ba ang mga bagay-bagay na dapat timbangin upang malaman mo na talagang kailangan mo nang lisanin ang iyong pinapasukan? Ang mga sumusunod ay ang mga itinatanong ko sa aking sarili kapag ako ay naaaning-aning tungkol sa trabaho:

1.) Masaya ka pa ba? Hmmm. Para sa akin, napakahalaga na nag-eenjoy ka sa iyong ginagawa, at siyempre, sa iyong mga kasama. Tama, tama. Napakahirap manatili sa isang lugar kung saan hindi ka na tumatawa, hindi ka na ngumingiti, at hindi mo na kasundo ang iyong mga katrabaho. Korekek. Malalaman mo na hindi ka na masaya kung sa bawat araw na papasok ka ay hindi ka na excited, Excited pa rin naman. tinatamad ka nang bumangon sa iyong pagkakahiga, Medyo. at mukha ka ng eighty-two. Mali ka dito, eighty-one lang. Kung ang oras sa opisina ay sadyang napakabagal na para sa iyo, at hindi mo na mahintay ang lunchbreak, miryenda at uwian. Tama, tama ka ulit. Bakit mo pa ipagpapatuloy gawin ang isang bagay kung hindi ka na masaya rito? Adik ka ba? Oo. Masaya pa rin naman ako - sa mga katrabaho, lalo na sa aking mga kagrupo. Sila na lamang ang dahilan kung bakit nagpapatuloy pa ako gayung kung ibabase ang kasiyahan sa ginagawa kong trabaho, marahil ay "Hindi na." ang aking maisasagot. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila sa pagtanggap, at patuloy na pag-unawa nila sa akin. Tissue! Tissue!

2.) Anu-ano nga ba ang mga dahilan kung bakit gusto mong umalis? Naliliitan ka ba sa iyong kinikita? Hindi naman. Sa tingin mo ba ay dapat mas mataas ang iyong sweldo dahil mahirap ang iyong trabaho? Hindi naman rin. Ang mga benepisyo ba ng iyong opisina ay sadyang hindi mo nararamdaman? Medyo? Malayo ba ang iyong opisina at nahihirapan ka nang makipagsipaan sa mga pasahero sa MRT at LRT? Hindi rin. O baka naman mahirap ang schedule mo? Nahuli mo parekoy! Madumi ba ang inyong pantry? Bwahaha. Pasaway ba ang mga utility at hindi nila nililinis ang pwesto mo? Eksakto! May mga ka-opisina ka ba na walang ibang ginawa kundi siraan ka at sabihin sa iyong boss na hindi ka naliligo? Ah, 'yan ang wala. Sa laki kong 'to? Takot lang nila.

Kung tumango ka sa lahat ng ito ay dapat ka na ngang umalis diyan kung...Ayun na nga...

3.) May lilipatan ka na ba? Oo. Napaka-hirap umalis sa isang trabaho kung wala ka pa namang lilipatan, maliban na lang kung trip mong maging isang ganap na mangga at magpapakaburo ka sa inyong bahay. Meron na nga. Maaari kang magbakasyon sandali upang makapag-relax ngunit kahit ito ay nakaka-inip rin, lalo na kung nasanay ka na maraming ginagawa palagi. Korekted bay. Tandaan mo na walang opisinang perpekto. Okay. Sa umpisa lang. Kokey. Makikita mo rin ang mga pagkukulang nito pagtagal-tagal. Ganun? Nasa sa iyo ang paraan upang maging perpekto ang iyong trabaho sa paningin mo. Paano? Banggitin ang "Ang ganda-ganda ng trabaho ko!" ng isang daang beses araw-araw, ngunit hindi rin ito makakatulong. Korni. Mayroon nang (ata) naghihintay sa akin. Napakalaki ng porsyento na ako ay magsisimula na sa aking bagong papasukan anumang araw ngayong buwan na ito. Ngunit gagampanan ko pa rin ang aking mga tungkulin, hanggang sa maipasa ko na lahat ito sa aking mga maiiwanan, o mauulila? Huwag po! Huwag po!

'Yan ang mga importanteng katanungan (sa aking palagay) na dapat mong isipin bago ka magdesisyon na umalis sa iyong trabaho. Salamat, salamat. Sinagot ko ang lahat ng iyan at pagkatapos, tinimbang ang mga bagay-bagay. Ako ay nagdesisyon na manatili MUNA sa aking trabaho. Hanggang matapos ang buwang ito. Bakit? Buburahin ko pa lahat ng mga nilagay ko sa PC. Bukod sa mag-iisang taon na ako dito (Batiin niyo ko, dali!), at madali lang ang byahe ko papunta sa opisina, ay masaya pa rin ako sa aking trabaho, Hindi na ata. at mga katrabaho Eto pwede pa. Mahalaga iyon' para sa akin. Sa akin rin, 'kala mo sa'yo lang? Kahit na laging sira ang elevator, at muntik na akong pumanaw kanina lamang dahil biglang bumagsak ang wallfan sa aking ulunan, nag-eenjoy pa rin ang lolo niyo...ngunit kailangan nating maging bukas sa mga oportunidad na dumarating sa ating buhay. Ayon nga kay pareng Lex Luthor - "There is nothing worse than a missed opportunity.".

Itutuloy...


7 komento:

  1. napakasakit namang isipin na lilisanin mo na talaga kami, ang matindi pa.. matapos ang isang taon e hindi man lang tayo nakapagbonding lahat sa labas ng opisina. Mami-miss ka namin talaga..lalo na ako..wala na ako tagapagpayo dito. huhuh.. hulaan mo kung sino ako? hihihi

    TumugonBurahin
  2. Kay hindi-nagpakilala: Sige, alis tayo sa huling araw ko pero - KKB! inuulit ko, KKB! Ulitin natin nang sabay-sabay! KKB! LOL.

    TumugonBurahin
  3. Sa Ingles ko nalang isusulat para tipid sa oras: I perfectly remember the first time I wrote a resignation letter in my first job. It was heart breaking. I was on the verge of howling. I had a lot of subordinates, most of them people whom I have interviewed myself when they are still applying for the job. They selflessly contributed for a gift for me the moment it was announced to them that I would be resigning. They gave me a photo album filled with photos from all the moments we shared during the company outing, Christmas party, morning exercise, the trips to the lomi house after work. I bawled privately in the CR during the last days of my stay looking at the pictures. I almost cried too when time came to have my clearance signed by one of my bosses. This was the actual conversation:

    Boss: Akala ko pa naman tatagal ka. Ano bang gusto mong gawin ko para hindi ka na magresign? Gusto mong mag conduct ng training sa China?

    Ako: Naku Sir hindi ninyo ako mamimiss. Nandyan po si Mr. TOOT TOOT papalit sakin. Laging top sa monthly productions.

    Boss: Ah si TOOT? Eh hindi naman productivity ang habol ko eh. Mas importante ang attitude.

    I was stunned and nearly cried at that point. Naks naman sir, I should say it’s his best line ever. Kakatouch. Lol. Your bosses will never realize your value until you’re about to leave.

    TumugonBurahin
  4. Marc, hmmm...bakit mo ba nilisan ang trabaho mong yaon?

    Nakakatats nga ang sinabi ng boss mo. At yeah, sang-ayon ako sa'yong naturan, 'pag wala ka na, saka nila makikita ang halaga mo, haaay.

    TumugonBurahin
  5. I was overworked. I had a difficulty saying no because I was fresh (first job eh). So I became their work horse. Would you believe that I worked through the holy week? The only rest I got was when they sent me abroad for operations training which is work din.

    TumugonBurahin
  6. Mas mainam talaga 'yung nakakapagtrabaho ka nang masaya at walang gaanong inaalala, walang stress na iniisip, at cool ang mga ksamahan sa trabaho.

    Parang course sa school. Hehe. Siyempre mas makakapag-aral tayo ng mabuti kung nasa hilig natin ang course na kinukuha natin. Imagine na lang kung hindi natin gusto ang course na pinipilit nating tapusin. :D

    TumugonBurahin
  7. Kay Marc: Aaah...kaya pala. Ganun din ako sa una kong trabaho. Hindi makatanggi kahit na nahihirapan na. Sa una lang. LOL.

    Kay Jake the Miserable: Siyang tunay! Malaki ang magiging epekto sa iyong "performance" kung hindi mo talaga gusto ang iyong ginagawa. Sa trabaho, malamang ay mag-resign ka, at sa pag-aaral naman, baka mag-shift ka sa ibang course.

    TumugonBurahin