Ipinapakita ang mga post na may etiketa na eskwelahan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na eskwelahan. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Agosto 2, 2008

Lolo's Payo's

Natagpuan ko ang post kong ito na mula pa sa panahong ako'y medyo nakakapag-ingles pa. Nakatutuwa lang isipin na hindi pa ako nagtuturo noong isinulat ko ito, at ngayong nagtuturo na ako, [ang gulo! hahahah] ito pa rin ang karaniwang ipinapayo ko sa aking mga estudyante. Narito at baka sakaling may matutunan kayo.


According to my dad, I started singing even before I started talking. He used to be in a band too…cool ei? He taught me some tips on how to take care and improve my voice. I’ve been researching about this these past few days and here is list of what I have found, and accept as true.


1. Maintain adequate hydration. Drinking plenty of water allows vocal cords to vibrate with less “push” from the lungs, especially when reaching high pitches. Also, well-hydrated vocal cords resist injury than dry cords. I always make it a point that I have bottled-water with me during gigs. Drinking water after two or three songs is really necessary for me.


2. Always warm-up and cool-down. Warming-up your voice is important before prolonged singing engagements. I do this by humming songs that are easy to sing (for me). This helps me to have my voice in good shape when I step on stage. It is much easier to “blow it all out” after doing this. Though it is often ignored, vocal cool-downs may also be used to prevent damage to vocal cords. Again, the simple practice of gentle and relaxed humming can serve as one excellent, easy form of cooling-down.


3. Know your range. Avoid singing pieces at the extremes of your vocal range. Or songs with high or low pitch that you can’t reach constantly. This could really damage your vocal cords. To determine your range, perform light glides or lip trills to your highest and lowest notes. Record these notes by checking them on a piano. Make sure that pieces in your repertoire fall above the lowest and below the highest extremes of your range. To view average vocal ranges for soprano, mezzo soprano, alto, tenor, baritone, and bass voices, click here.


4. Know the potential side effects of your medications. Many commonly prescribed medications can have significant effects on your voice. I’ve learned this one from experience. A certain ascorbic acid that I’ve taken not so long ago made my voice hoarse for days. Good thing my guitarist back then can sing. He sang more songs than me during those nights…haha.. For a listing of medications and potential adverse effects on your voice, click here.


5. When singing with a band, use monitors. Have some small speakers facing you on stage so you can hear yourself adequately and modify your volume accordingly. It is pretty hard to sing without these monitors, especially when performing in an open spot. If these are not really accessible for some reason, I suggest that you stay clear from the instruments – especially the drums. You can also try placing one finger in your ear but this should be done in an “artful” manner. ;P


6. Avoid vocally abusive behaviors.

- Decrease overall volume.

- No shouting/ yelling.

- Don’t whisper! It may actually make your voice worse.

- Don’t talk in the presence of a lot of background noise!

- Don’t try to talk or sing when you have a bad cold or laryngitis.


7. And lastly, Don't smoke! Don't smoke! Don't smoke! I can't say it enough.


I’ll try to look for more tips on voice improvement, and post it here. If you also have some, feel free to contact me and I’ll add it here too.

Thank you and happy singing!


Lunes, Setyembre 24, 2007

Pisara

Babala: Ang kwentong ito ay aking isinulat sa panahong wala akong tulog at mayroong karamdamang iniinda. Patawarin niyo sana ang kababawan ng konteksto nito.

Halos mauntog ako sa aming kisame sa pagtalon dahil sa lubos na kagalakan nang ibili ako ng aking tatay ng maliit na pisara, noong ako ay musmos pa lamang. Palagian ko kasi siyang kinukulit kapag may naglalako nito sa tapat ng aming bahay. Tulad ng pangkaraniwang pambatang pisara, ang aking blackboard ay may mga titik ng alpabeto at mga numero sa lahat ng apat na gilid, may nakalarawang mga hayop, at laruang orasan sa itaas na kaliwang bahagi nito. Siyempre, kasama na rin sa set ni manong ang
pambura at makukulay na yeso.

Talagang hilig ko na kasi magtitser-titseran noon pa man. Kaysa magpatuloy sa pananakit ang ulo ng aking inay dahil sa pagbubura ng mga lectures ko sa aming pader, ay binilan na nga nila ako ng totoong pisara. Ipinagmalaki ko kaagad ito sa mga kalaro ko - ang aking mga estudyante. Kumpleto kami mula upuan hanggang sa mga papel at kuwaderno, mayroon din akong class-record at kasali rin sa laro pati pagpapa-iskuwat at pagpapa-face-the-wall, para gurong-guro talaga ang dating ko.

Iba't-ibang klase ng guro ang ating nakasama noong tayo ay nagsisipag-aral. Mayroong parang nanay o tatay mo lang, mayroon din namang nangangatog ang iyong tuhod sa tuwing kaharap mo sila dahil sa sobrang sungit - ang mga kontrabida ng buhay natin noon ika nga. May malakas ang boses na talaga namang nakakatakot. May napakahinang magsalita, na halos pisara na lang ang kausap. Nakakainis kapag ganoon 'di ba? Lalo na kung Math pa ang kanyang itinuturo na hindi mo na nga lalong maintindihan dahil sa pabulong niyang pagtalakay. Mayroon ding parang umuulan lang 'pag nagsasalita siya. Aba! libreng hilamos sa klase!

Kapag may libre, siyempre mayroon ding may bayad - mawawala ba naman ang mga gurong negosyante?! Sandwiches, Yakult, lapis at ballpen, pambura, pantasa, y
ema, espasol, chocolate crunchies, tosino, longganisa, at napakarami pang iba. Kung gusto mong magpasikat ay bumili ka lang sa kanila, tiyak na medyo tataas ang grado mo. Siguro ngayon, may mga guro ring nagbebenta ng cellphone load ano? Hmmm...

Bakit may mga guro na parang hindi tumatanda? Parang kung ano ang hitsura nila noon sa class picture niyo, ay ganoon din kapag nakasalubong mo sila sa kalsada? Pansin mo? Who touches their skin kaya?

Talagang malaki ang naging impluwensya ng mga guro sa ating buhay. Kadikit o hindi man natin masyadong nakasama ang ilan sa kanila ng pangmatalagan (maliban na lang kung paulit-ulit ka sa ilang baytang), talagang nag-iiwan sila ng marka sa ating puso't isipan. Naks!

Naisip ko lang ang tungkol sa pagtuturo at mga guro, dahil ilang araw mula ngayon, magkakaroon muli ako ng pisara. Hindi nga lang katulad ng dati na maliit, kulay berde at may mga kung anu-ano sa gilid. Mas malaki ito ngayon, kulay puti, at mas makinis.

Magka-iba man ang mga katangian ng dalawang pisarang ito, iisa lang ang kanilang layunin - ang maging daan upang madaling maibahagi ang mga produkto ng aking kaisipan na walang bahid ng kung ano sa mga estudyante. Ngayon ako mas lalong naniwala na kung may nais kang abutin, tumungtong ka lang sa silya magtiwala ka lang talaga...

...kaso, ano kaya ang magandang ibenta?


Huwebes, Hunyo 14, 2007

Gusto Kong Maging...

Bumbero!

'Yan ang sinasagot ko kapag ako ay tinatanong noong bata pa ako, kung ano ang gusto ko na maging trabaho paglaki ko. Wala pa naman ako masyadong alam tungkol sa pagiging bumbero noon. Nagustuhan ko lang ang trabaho nila kasi parang ang sarap bumaba doon sa pole na bakal kapag ipinapakita sila sa Batibot.

Tiningnan ko ang aming yearbook noong highschool kahapon. Bukod sa napansin ko na napakaraming estudyante na may paborito sa kasabihan na "Time is Gold", ay napaisip ako. Ano na kaya ang nangyari sa kanila? Natupad kaya nila ang kanilang mga "I wanna be a _______
someday"? Ilan nga ba ang talagang nagsikap at ginawa ang lahat upang matupad ang kanilang inaasam-asam na propesyon noon?

Aminado ako na isa ako sa mga hindi nakatupad ng sinabi kong pangarap sa aming yearbook. To be a Computer Engineer ang nakalagay sa ilalim ng pangalan ng lolo niyo dahil hilig ko na ang PC kahit noong DOS-based pa lang. Pero medyo malapit naman ang aking kurso dito - Computer Science. Sabi kasi noong nag-eenrol ako sa kolehiyo ay ito ang in-demand. Pero noong taon na ng pagtatapos namin ay Nursing na! Saya! Magdiwang tayo!

Marami akong kakilala na kumuha ng gusto nilang kurso, ngunit hindi nila ito ginagamit sa kanilang trabaho. Medyo nakalulungkot ngunit ganoon talaga siguro. May kanya-kanya naman silang dahilan na katanggap-tanggap naman. Pero sana, huwag tuluyang masayang ang mga hirap na naranasan nila noong sila'y nag-aaral.

Darating ang panahon at magkikita-kita ulit tayo ng mga kaklase natin. Umaatikabong kwentuhan ang tiyak na mangyayari.

Na-miss ko tuloy ang tropa ko:

Athena (Apo daw siya ni Ka Tino),
Odeth (Ang babaeng walang bahid),
Jheng (Ang aming financer),
Dino (Ang munti naming kaibigan),
Leo (Cute - sabi niya),
Tin (Ang payat na raw ngayon),
Ria (Uwi ko galing Singapore?),
K8 (Kakosa habambuhay),
Chelot (Ang kaibigan kong di kaputian),
Joyce (Kaibigan at kasosyo),
Mike (Kumpare),
Rommel (Ang bihira magparamdam)


Kumusta na kayo?


Subscribe in a reader

Miyerkules, Hunyo 13, 2007

Isang Malaking Kalokohan

Isang advertisement ang aking napansin sa isang poste malapit sa aming bahay kahapon. Isang bagong eskwelahan na nanghihikayat ng mga estudyante upang sa kanila magsipag-enrol :

Hurry! Enroll now and get up to 30% discount, or even more!

Kung sa kanila ka raw mag-eenrol, makakadiskwento ka hanggang tatlumpung porsyento, o higit pa. Ibig sabihin walang katiyakan kung magkano nga ang mababawas sa kabuuan ng dapat mong bayaran! Hindi ba't nakaka-inis 'yun? Isang malinaw na panlilinlang sa publiko. Eskwelahan pa naman ang kanilang itinataguyod, isang lugar kung saan hinuhulma ang kaisipan ng mga mag-aaral.

Sana ay makaharap ko kung sino man ang nag-isip nito nang makita niya ang kanyang hinahanap.

Hindi naman ako galit nito?

Hindi naman, inis lang.


Subscribe in a reader

Miyerkules, Hunyo 6, 2007

Pasukan


Umpisa na naman ng klase. Iba't-ibang eksena ang nagaganap sa unang araw sa eskwelahan. Ito ang mga natatandaan ko na mga kaganapan noong unang panahon.

Kindergarten. Todo iyak ako nung ako ay iwanan ng aking mommy sa gate ng school. Parang hindi na kami ulit magkikita - 'yun ang pakiramdam ko. Pagtahan, pinilit na makinig sa sinasabi ng matandang babae sa aking harapan. Siya pala ang principal. Hindi ko alam kung bakit ako pa ang napili na taga-taas ng ating mahal na watawat tuwing umaga gayung ako ang pinakamaliit sa klase. Lugaw, champurado, pansit, sopas ang ilan lamang sa mga pinakaaantay naming kainin kapag recess, at lahat 'yon ay libre at pwede pang bumalikbalik kung ikaw ay talaga namang gutom na gutom. Ang pinaka hindi ko malilimutan ay nang ako ay makatapos na 1st honor. Hindi ako nagyayabang. Normal ko 'to.

Gradeschool. Lumipat ako sa mas malaking eskwelahan. Gaya ng dati, umiyak ulit sa unang araw. Todo tucked-in pa ang polo ko noon, katulad nung kinder ako. 'Yun pala eh hindi dapat ganoon kaya inayos ng adviser ko. Siyempre, una na naman ako sa pila. Taga sigaw ng "arms forward!" sa buong kapilahan. Taga-pantay kung kiling ang direksyon ng pila. Taga-lista ako ng noisy sa classroom. Dito ko rin unang naranasan na sumali sa singing competition. Una pa lang, talo na agad ang lolo niyo. Pero di pa rin nadala ang aking mga guro at sinali ulit ako nang paulit-ulit. Medyo nananalo na nung bandang huli. Naawa na siguro ang mga judges sa akin dahil taon-taon ay sumasali ako.

Highschool. Hindi na ko umiyak nung unang araw. Tuwang-tuwa pa nga dahil sa wakas may pasok na ulit. Ibig sabihin may allowance na ulit. Hiwalay na ang mga babae sa aming mga lalaki. Malisyoso kasi ang mga madre sa aming eskwelahan kaya ganoon. Pangalawa na ko sa pila. Minsan pangatlo kapag natakot ko nang husto ang aking kaklase at utusan siya na siya ang lumugar sa pangalawa. Ako ang taga-awit ng Lupang Hinirang tuwing umaga kaya naman ito ang nilalagay ko na favorite song sa mga slam books na pinasasagutan sa akin.

College. Ang antas ng pag-aaral na muntik ko nang hindi marating. Ako ay desidido na talagang pumasok sa seminaryo noong mga panahong iyon, pero pinagbigyan ko ang aking mga magulang at kumuha ng mga exam sa iba't-ibang kolehiyo. Ang galing ko talaga dahil sa dami nang na-applyan ko, isa ang tumanggap sa akin. Nakakatamad ang unang araw. Pagpasok sa room mukha agad ng isang dating schoolmate ang bumungad sa akin. Ngiting-ngiti dahil nakakita rin siya ng kakilala na mahihingan ng extra rice at ulam kapag sabay kami kumain. Walang pumasok na prof noong umaga kaya tumambay na lang ako sa canteen. Mag-isa at nakahiwalay sa mga estudyanteng napakaiingay at akala mo matagal nang magkakakilala, kumain ako ng oreo at iced tea - heavy meal. Hindi na ako umattend pa ng mga sumunod na klase dahil kailangan ko pang magdeliver ng mga pirated cd's na aking binebenta noon, sa halagang P100 ang isa. Talaga namang sulit na sulit.

Ang sarap maging estudyante. Kung ikaw na nagbabasa nito ay isang estudyante, pahalagahan mo ang bawat araw habang ikaw ay nag-aaral. Darating ang araw at babalikan mo ang lahat ng iyan at ipo-post mo rin sa blog mo.