Dapat mong maunawaan na ang mga bagay na hindi mo pansin, ay maaaring mahalaga sa iba at dahil dito, mas madaling mawala ang mga ito sa iyo..
Karaniwan nating iniingatan ang mga bagay na pinakamahalaga para sa atin, ngunit hindi ba't dapat nating mas ingatan ang ating pag-aari na mas mahalaga sa iba?
Kung ano ang mahalaga para sa'yo ang karaniwan mong iniingatan. Ang atensyon mo ay ukol lamang rito at wala nang iba pa. Nangangamba ka na maaring ito'y mawala sa'yo sakaling malinga ka at panandaliang magpabaya.
Ngunit hindi ba't mas madaling nakawin ang mga bagay na kinaliligtaan? Mas madaling nakawin ang mga bagay na hindi binabantayan. Mas madaling nakawin at sa katotohanan, ang pangyayari ay hindi mo man lamang mapapansin.
Kung pagdaka'y ikaw ay mapalingon, maiisip mo ba na ikaw ay ninakawan nga kung ang nawala ay hindi naman mahalaga para sa'yo sa umpisa pa lamang?
Magiging kawalan ba kapag ang isang bagay na walang halaga para sa'yo ay ninakaw ng iba?
Ngayon, ano nga ba ang dapat bigyan ng wastong pagpapahalaga? Ang mahalaga sa iyo o ang mahalaga sa iba?