Ito ang aking entry sa proyekto ni Tita Janette Toral.
Filipina. Konserbatibo. Mapagmahal. May takot sa Diyos. Ilan lamang 'yan sa mga katangiang pumapasok sa aking isipan tuwing inilalarawan ko ang mga kababayan nating kababaihan. Naniniwala ako na kahit na nasa modernong panahon na tayo, marami pa rin ang pasok sa mga kategoryang iyan, kaya naman ipinagmamalaki ng Lolo niyo ang pagiging isang Filipino.
Para masubok ko kung talagang angkop pa rin ang mga katangiang iyan sa mga Filipina sa panahon ngayon, at mapatunayang tama pa rin ang aking paniniwala, napagtripan kong magtanung-tanong sa pamamagitan ng SMS, e-mail, at printed questionnaires, sa tulong na rin ng aking kakosa, at nakalikom ako ng limampung Filipina, na walang pag-aatubiling sumagot sa nag-iisang katanungan na: Deal or No Deal?
"Bakit mo ipinagmamalaki na isa kang Filipina?"
Narito ang kanilang mga kasagutan:
Paliwanag: Ang mga sumusunod na mga kasagutan at mga impormasyon, gaya ng pangalan at edad ng mga nakilahok ay hindi kathang-isip o guni-guni lamang. Ang kanilang mga kasagutan ay hindi ginalaw o binago sa kahit anong pamamaraan upang mapanatili ang katotohanan sa serbey na ito. [Naks!]
1. Dyan, 23, CSR-Eperformax,
“Ipinagmamalaki ko na isa akong Filipina sapagkat ang mga Filipina ay mahihinhin, pinapahalagahan ang pagka-birhen, at ang higit sa lahat, may takot sa Diyos.”
2. Hanna, 22, Student, Legarda Manila:
“Pinagmamalaki ko dahil sa mga kultura natin na hindi kayang pantayan ng mga dayuhan.”
3. Cherry, 30, Bank Officer-Security Bank, Valenzuela City:
“Pinagmamalaki ko na isa akong Filipina dahil tayo’y maasikaso, masipag at mapagmahal sa ating mga pamilya.”
4. Jheng, Valenzuela, Sup:
"Dahil ang isang filipina ay matatag at matapang. Kahit anong pagsubok ang dumating kakayanin at malampasan. Ipaglalaban ang kanyang karapatan, minamahal at higit sa lahat ang kanyang pamilya. At sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaraanan nananatili paring MAGANDA !!!! HAHAHAHA!!!!"
5. Lani, 24, Teller-Security Bank,
“Kasi ako ay may pananaw sa buhay, mapagmahal at handang magsakripisyo para sa pamilya,masinop, at higit sa lahat, ang mga Filipina ay mga konserbatibong tao.”
“Ang mga Filipina, lalo na ang mga dalagang katulad ko, ay mapagmahal sa kapwa, malaki ang takot sa Diyos, at pinapahalagahan ang close family, and community ties. Kahit ba sabihin pa nila na sa ibang bansa ako ngtratrabaho, ako’y babalik pa din sa aking sinilangang landas, at hindi ko kinakalimutan na ako’y may pusong Pilipino.”
7. Sheila, 23, CSR-Navitaire Int’l,
“Dahil ang mga pinay ay matatag, kagaya ng mga pinay na nurses na nangingibang bansa, kaya handa silang mahiwalay sa kailang mga pamilya, para lamang matustusan ang mga pangangailangan nito.”
8. Mylene, 23, CSR-Navitaire Int’l,
“Ipinagmamalaki ko na ako ay isang Filipina kasi matatag at magaling ang mga Pinay pagdating sa pakikipaglaban sa buhay. Ano man ang unos na dumating sa buhay, kayang kaya diskartehan at lagpasan ng isang Filipina.”
9. Yonie, 24, Office staff,
“Sapagkat naiiba ang aking kulay at ating kultura kumpara sa mga dayuhan.”
10. Mayang, 23, Cash staff, M Bacoor,
“Ipinagmamalaki kong Filipina ako kasi isa ang Filipina sa mga natatanging ganda. Magmula sa kulay na natural na kayumanggi na hinahangaan ng mga dayuhan, at magandang ngiti na sumasalubong sa bawat nakakasalimuha nila. Ang mga kasuotang tanging sa Filipina lang nababagay,ang ugaling maaalalahanin - taglay nga bawat kababaihan ito sa buong mundo, ngunit ang Filipina lang ang may mga natatanging mga alternatibo sa pag-aalaga sa kanilang mga mahal sa buhay (kapag kulang sa gamit). At higit sa lahat, ang Filipina na kagaya ko, ay matiisin at madasaling tao.”
11. Gretch, 24, New Accounts-Int’l Exchange Bank, Navotas MM:
“Sapagkat naiiba pa din ang dalagang filipina-mapagmahal at magalang. Ibinibigay nila ang lahat ng kanilang makakaya para mapaligaya lamang ang kanilang mga mahal sa buhay.”
12. Cherish Marinda, 23, BPO associate-Navitaire Int’l,
“Kasi mahal ko ang kulturang pilipino.”
13. Margarita Eloise B. Lomotan, 27, BPO Associate-Navitaire Int’l,
“Ksi magaling tayo sa lahat ng bagay! Magaling mag-adapt and nage-exel daw abroad tapos maganda ang values natin!”
14. Joyce Quiazon, 23, Senior Quality Assurance Associate-Havenlink Solutions Inc, Laguna:
“
15. Michelle Chhatlani, 27, New Accounts-Security Bank, Paco Manila:
Sapagkat ang mga filipina ay may katangian na dapat ipagmalaki at tularan, katulad ng pagiging isang magalang sa kapwa, matulungin sa mga taong nangangailangan at respeto at pagmamahal sa pamilya. "
16. Catherine Casuncad, 24, Teller-Securirty Bank, Malate Manila:
"Sapagkat ang filipina ay maalaga, maasikaso at mapagmahal sa kapwa."
17. Marie Grace Soverano, 24, Junior Asst Mgr-Security Bank,
"Sapagkat ang mga Filipina ay matiisin, matiyaga, may takot sa Diyos at mapagmahal sa kanilang kapwa. maasahan sa oras ng pangangailangan."
18. Kristine, 25, care-giver,
“Kasi pagdating sa kabutihan, the best tayo dyan. Pangalawa, pagdating sa trabaho, mas malinis at maganda magtrabaho ang mga pinoy- ayon yan sa mga kompanya dito sa
19. Nena, 50, housewife,
“Ipinagmamalaki ko na isa akong Filipina sapagkat pagdating sa trabaho, masasabi kong ako ay madaling matuto at matiyaga, dahil napatunayan ko ito sa loob ng mahigit 20 taon. Sa ganitong paraan, nakatulong ako ng malaki sa aking asawa at mga anak.”
20. Tin-Tin, 24, Nun-in-the-making, Manila:
"Dahil mahal ko ang Pilipinas. Tahanan ng lahi kong sinilangan. Maganda't sagana sa likas na yaman."
21. Rein, 25, Alabang, CSR:
"Ahhm, dahil ako ay pinoy sa puso at diwa. Dahil taglay ko pa din ang kaytangian ng pagiging magalang at pagmamahal sa pamilya hehehe, no joke.un lamang po."
22. Analee Bengzon, 37:
"Ipinagmamalaki ko na ako ay Filipina sa dahilang meron ang Filipina na kakaibang katangian na naiiba sa ibang lahi gaya ng pagiging malambing, maasikaso, at maalaga sa pamilya."
23. Christiane Melicio, 22:
"Ipinagmamalaki ko na ako ay Filipina sa dahilang ang mga Pinay aymay bukod tangi na katangian na ating maaaring ipagmalaki."
24. Charise Villaranda, 23:
"Ipinagmamalaki ko na isa akong Filipina kasi ang mga Filipina ay kayang lumago ng di kailangang umasa sa iba."
25. Em Flores San Juan, 23:
"Ipinagmamalaki kong maging Filipina dahil tayo ay kilala bilang isang independyenteng mamamayan, iba sa lahat at kayang lumaban sa ano mang pagsubok. Go girl!"
26. Ann Murray F. Macaspac, 28:
"Ipinagmamalaki ko na maging Filipina sapagkat ako ay lumaking may taglay na magandang pag-uugali."
27. Siony Javillana, 42, Adm. Officer II - Mun. Gov't. of Obando, Bulacan:
"Ipinagmamalaki ko na isa akong Filipina sapagkat sa talino at galing ay hindi tayo pahuhuli sa ibang bansa. Taglay ko ang yumi at ganda na sa Filipina lamang matatagpuan at higit sa lahat, ang Panginoon, ang takot sa Panginoon ay nasa aking puso."
28. Kathleen R. Capiral, 31, Social Welfare Asst. - Mun. Gov't. of Obando, Bulacan:
"Dahil ang isang tulad kong Filipina ay may dangal na ipinagmamalaki, lahing kayumanggi, may takot sa Diyos, at may paninindigan. Iyan ang ganda at ugali ng isang Filipina."
29. Irma Carpena, 50, Clerk - Mun. Gov't. of Obando, Bulacan:
"Dahil iniingatan ko ang aking dangal at pangalan na minana ko sa aking mga magulang."
30. Jennie Rose L. De Leon, 25, Clerk - Mun. Gov't. of Obando, Bulacan:
"Ipinagmamalaki ko na ako'y isang Filipina sapaglat ako'y may takot sa Diyos at ako ay makabayan."
31. Carina Salazar, 29, Administrative Officer - Mun. Gov't. of Obando, Bulacan:
"Ipinagmamalaki ko na ako'y isang Filipina dahil sa magandang tradisyon at pag-uugali na pinamana ng aking mga ninuno at magulang at dahil ang Filipina ay nakaaangat sa lahat ng aspeto."
32. Meliza S. Tanazas, 49, Clerk - Mun. Gov't. of Obando, Bulacan:
"Ipinagmamalaki ko na ako'y isang Filipina sapagkat hindi naman kaila sa buong mundo na ang mga Filipino ay may magandang loob. Marami na rin namang mga Filipino at Filipina ang nagbigay karangalan sa ating bansa. Ipinagmamalaki kong Filipino ako dahil ang aking mga magulang ay Filipino."
33. Dulce J. Sebastian, 41, Admin Officer I - Mun. Gov't. of Obando, Bulacan:
"Ipinagmamalaki ko na isa akong Filipina dahil sa mga tinataglay nitong mga katangian tulad ng pagiging maka-Diyos, maayos na pakikitungo sa kapwa, may maayos at tapat na pagmamahal sa pamilya."
34. Delia A. Coronado, 49, Social Welfare Officer III - Mun. Gov't. of Obando, Bulacan:
"1.) Dahil ito ang aking minamahal na lahi.
2.) Ang pagiging Filipina ay isang pagkakakilanlan ng babaeng taga Pilipinas."
35. Marissa A. Avila, 43, HRMO, Obando, Bulacan:
"Ipinagmamalaki ko ang pagiging isang Filipina dahil sa mga katangiang ang mga Pilipina lamang ang mayroon. Ito ay ang pagiging "hospitable" ng mga Pilipino. Kahit saang bansa ay walang makakagawa ng pagiging mabait at matulungin ng mga Pilipino sa kapwa."
36. Fely De Leon, 43, HRMA, Obando, Bulacan:
"Ang Filipina ay marunong sa gawaing bahay, maasikaso sa pamilya, maka-Diyos, at maaalahanin. Sa ngayon ang Filipina ay gumaganap na rin ng trabahong panlalaki, katulad ng sa mga opisina bilang empleyado o bilang ehekutibo. At pwede na ring gumanap na kapitan, kongresman at siyempre ang pagiging pangulo katulad ni PGMA."
37. Vicky Alganzado, 42, Communication Officer - Office of the Mayor, Obando, Bulacan:
"Sapagkat ang pagiging Filipina ay isang kapuri-puri. Dapat nating ipagmalaki ito sapagkat ang Filipina ay kilala sa pagiging matulungin, magalang, mahusay sa paggawa ng mga produktong talagang ikakapuri sa loob at labas ng ating bansa. At talento ang mga Filipino. Mahusay umawit, sumayaw at makisalamuha sa iba't-ibang klaseng tao sa lipunan."
38. Lita Ramos, 47, MPPW-II, Mun. Gov't. of Obando, Bulacan:
"Dahil ang pagiging Filipina at isang karangalan at ipinagmamalaki ang mga katangian kahit sa ibang bansa. Magaganda ang mga Filipina, hindi lamang sa anyo kundi pati sa puso."
39. Ruth C. Santos, 47, Obando, Bulacan:
"Ang isang Filipina at mapagmahal, masipag, may paninindigan, at higit sa lahat, malinis sa bahay at sa pangangatawan."
40. Anonymous
"Dahil ako ay matapat at masipag."
41. Grace R. Cruz, 42, Obando, Bulacan:
"Dahil ang isang Filipina at malinis magmahal."
42. Prescilla M. AvendaƱo, MTO Cash Clerk II, Obando, Bulacan:
"Ako ay isang Filipina na may dangal, makatao, makakalikasan, at makabansa."
43. Elena M. Lumabas, Secretary to the Sangguniang Bayan, Obando, Bulacan:
"Ipinagmamalaki ko na ako'y isang Filipina dahil ako ay tagapagmana ng mayamang karanasan at ginintuang pangaral ng aking magigiting na ninuno."
44. Jenny Lyn Fuertes, 23, Data Control Staff, Quezon City:
"Proud ako maging Pinay, dahil pagdating sa boxing wala tayong katulad, na maihahantulad sa ating buhay buhay. Bumagsak man o madapa, pilit pa ring lalaban at tatayo. Matalo man sa laban, taas noo pa rin sa mga tao dahil lumaban tayo ng patas at malinis."
45. Maylene Espiritu, 23, Data Control Staff, Quezon City:
"Ang mga Pilipino ay may dugong bughaw, may dignidad at marunong lumingon sa pinanggalingan. Likas sa atin ang pagkakaron ng mababang loob at pagmamalasakit sa kapwa tao."
46. Odessa F. Balao, 23, Precloser, Malabon City:
"Dahil ang mga Filipinang gaya ko ay malaki ang pagpapahalaga sa pamilya, pagpapahalaga at respeto sa kanilang feminity."
47. Athena O. Abad, 24, Data Analyst, Obando, Bulacan:
"Kasi kilala kami sa pagiging mayumi at may mataas na pagpapahalaga sa moralidad."
48. Che-an Talastas, 22 y/o, Manila, Customer Service Rep.,
"Ako ay isang Pilipino at ipinagmamalaki ko ito dahil TAYO ay likas na mga mahuhusay sa kahit anong larangan. Marami din tayong mga kaugalian na talaga namang maipagmamalaki natin sa mga dayuhan. TUlad na lamang ng pagiging MAKADIYOS, Pagbibigay Galang sa mga Nakatatanda sa atin sa pamamagitan ng paggamit ng "po at opo" at Maayos na pagtanggap sa ating mga bisita. At higit sa lahat, ipinagmamalaki ko na ako'y isang Pilipino dahil sa Kagandahang taglay ng mga Pilipina, Simple lang ngunit malalakas ang karisma.. =) Kaya naman taas noo kong isisigaw sa mundo na Ako'y isang Pilipino, sa isip , sa salita at sa gawa!!! "hehehehe =p "
49. hOnEyPoSh, 24, Tondo,Manila, Customer Service Rep.,
"Im a proud Filipina co'z Filipina's are so pasensyosa & sobrang makariƱo. And Beauties of Filipina's are so natural and just simple. And that's what most guys are looking for."
50. Eilanna :
"Ipinagmamalaki ko na ako ay isang Filipina dahil sa mga kagandahang asal na kinagisnan ko at ipinamana sa akin ng mga magulang na kapwa mga Filipino...
* ang pagiging magalang sa mga nakakatanda . ang pag-gamit ng mga salitang po at opo na tanda ng paggalang sa mga nakakatanda (aba! walang ganyan sa states! oh kahit na saan mang bansa sa mundo!)
* ang pagmamano sa kamay ng mga magulang o mga lolo at lola / paghalik sa noo o sa pisngi - sa manilawala ka at sa hindi hanggang ngayon ay ginagawa ko pa rin iyan sa mga magulang ko at sa Lola ko...ewan ko ba pero para sa akin isa itong napakagandang paraan ng pagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa ating mga magulang at mga Lolo at Lola.
* ang tinatawag na Filipino Hospitality o ang ating mainit na pagtanggap sa mga bisita - ito ang pinaka sikat na kaugalian nating mga Filipino...bakit kaniyo?! Dahil tayong mga Filipino ay talaga namang magaling mag-asikaso ng ating mga panauhin...talagang pinapakita natin ang mainit na pagtanggap sa kanila.
* ang pagiging matulungin sa kapwa - parang katulad ng bayanihan...likas na sa ating mga Filipino ang tumulong sa ating mga kapwa lalo na sa oras ng kanilang pangangailangan.
Ilan lamang yan sa mga kaugaliang tatak Filipino na namana ko sa aking mga magulang at sa ating mga ninuno na talaga naman pinagmamalaki ko...at nais kong dalhin saan man ako mapadpad...nais kong ipamana sa mga susunod na generation."
Maraming salamat sa mga Filipinang nakilahok sa pag-aaral kong ito, at sa aking K8 na buong pusong tumulong at matiyagang lumikom sa mga kasagutan.
Ayon sa kanilang mga kasagutan, tunay na dapat nga nating ipagmalaki ang mga kababayan nating kababaihan sa kahit na sino, at kahit saang panig ng mundo. Sila din ay sing-kwenta (o maaaring higit pa) ng iba pang mga lahi, kaya dapat silang igalang, pahalagahan, at ipagmalaki. Bow.